March 08, 2026

Home FEATURES Katatawanan

Sinakyan na lang! Robina Gokongwei, naging si 'Medusa'

Sinakyan na lang! Robina Gokongwei, naging si 'Medusa'
Photo courtesy: Gretchen Ho (FB)

Kinaaliwan ng mga dumalo sa isang Trade Partners Night event ang paandar ni Robina Gokongwei-Pe matapos niyang magsuot ng "Medusa-inspired" na headdress habang nagtatalumpati para sa lahat ng mga dumalong bisita sa nabanggit na pagtitipon.

Ang larawan ng negosyante ay ibinahagi ni Gretchen Ho sa kaniyang social media post, na isa sa mga naging host ng event, kasama ang ex-boyfriend na si Robi Domingo.

Sey ng mga netizen, tila sinakyan na lang ni Robina ang isang "urban legend" tungkol sa kaniya, at tungkol sa kasaysayan ng kanilang mall.

Hindi ito ang unang beses na "pinaglaruan" ni Robina ang tungkol sa nabanggit na urban legend.

Noong Enero 27, 2025, ipinakita ni Robina ang ilang mga naglalakihang ahas habang nasa vicinity ng kanilang pagmamay-aring mall.

Katatawanan

Pinay, 4 na taon sumamba sa 'green Buddha;' estatwa, napag-alamang si Shrek lang pala!

"Look who finally decided to come out of hiding. My shining, shimmering golden twin (with his pretty in pink girlfriend)! Here’s to a slitheringly good Year of the Snake!* " mababasa sa caption ng post.

Maki-Balita: Robina Gokongwei-Pe, inilantad na ang 'kambal na ahas!'

Ang nabanggit na mga "kambal na ahas" ay mga palamuti lamang para sa nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year noong buwan at taong iyon.

URBAN LEGEND: KAMBAL NA AHAS

Matatandaang noong 90s, kumakalat ang isang urban legend tungkol sa umano'y half-man half-snake na kambal ni Robina na nagtatago sa basement ng mall, na nambibiktima raw ng magagandang babaeng mall goers.

Maki-Balita: 10 pinakakahindik-hindik at pinakamisteryosong 'urban legend' sa Pinas

Usap-usapan, na sa ilalim ng mall o basement ay may "taong ahas" na nambibiktima umano ng magagandang dalaga. Ang taong ahas na ito ay sinasabing nagtatae ng ginto, at kakambal ng isang babaeng normal na tao. daw Ito raw ang naging dahilan kung bakit naging maginhawa ang buhay ng naturang pamilya, at nakapagpatayo ng mall.

Ayon pa sa mga sabi-sabi, ang mga sahig daw ng fitting room ng naturang mall ay kusang bumubukas palagos sa ilalim kung saan naroon ang taong ahas.

Isa pa nga sa mga artistang lumutang ang pangalan na sinasabing bibiktimahin sana ng taong ahas na ito ay si Alice Dixson.

Ngunit kamakailan lamang ay pinabulaanan ni Alice ang naturang urban legend sa pamamagitan ng isang vlog na lumabas noong 2018.

Ilang beses na rin itong pinabulaanan nina Robina at maging ng kapatid na si Lance Gokongwei, sa panayam ng huli kay Jaime Zobel de Ayala sa vlog nito.

“No snake. If there would have been a snake, my sister Robina would have caught it and converted it into a handbag that she sold in Robinsons," pahayag ni Lance.

Maki-Balita: Urban legend sa isang mall, muling naungkat; paliwanag ng mga anak ng may-ari, binalikan