March 08, 2026

Home BALITA National

Record-breaking oil price hike, nakaamba: ₱19.62 sa diesel, ₱10.43 sa gasoline!

Record-breaking oil price hike, nakaamba: ₱19.62 sa diesel, ₱10.43 sa gasoline!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila katakot-takot na malaking pagtaas sa presyo ng langis ang nakaambang maganap sa susunod na linggo dahil sa tensyon at sigalot na nangyaryari sa Middle East mula sa giyera ng mga bansang Estados Unidos at Israel laban sa Iran. 

Ayon sa inilabas na ulat ng Manila Bulletin nitong Sabado, Marso 7, 2026, base umano sa limang (5) araw na pakikipagkalakalan ng Mean of Platts Singapore (MOPS) ay inaasahan ang posibleng pagtaas sa ₱24.92 per litro ang presyo ng kerosene. 

Bukod dito, asahan na rin umano ang pagtaas ng presyo ng diesel na aabot sa ₱19.62 per litro habang ₱10.43 per litro naman ang nakaambang pagtalon ng presyo ng gasolina. 

Nakatakda umanong ianunsyo sa publiko ang pinal na presyo ng kerosene, diesel, at gasolina sa paparating na araw ng Lunes, Marso 9, 2026. 

Kaugnay nito, matatandaang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa publiko noong Marso 3, 2026, na may sapat umanong suplay ng langis ang bansa na aabot sa humigit-kumulang 50 hanggang 60 araw, sa kabila ng giyerang nagaganap sa Middle East. 

National

De Lima, binasag 'makikitid' na pananaw, pagtingin sa kababaihan

Matapos ito ng umugong na mga agam-agam noon kaugnay sa posibleng epekto sa presyo at suplay ng petrolyo bunsod ng lumalalang tensyon sa pagitan ng ilang mga bansa sa rehiyon ng Gitnang Silangan.

“First of all, let me assure everyone that we have [a] sufficient supply of oil. Mayroon tayong stockpile that are approximately 50 to 60 days in terms of gasoline, in terms of fuel oil, and in terms of kerosene,” pagtitiyak ng Pangulo. 

Dagdag pa niya, “Let me just immediately allay the fears of everyone that our supply of oil derived products—even fertilizer—is something that we have to look at.” 

KAUGNAY NA BALITA: Pilipinas, may sapat na suplay ng langis abot hanggang 50-60 araw—PBBM

Ayon naman kay Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin kamakailan sa isang panayam, hindi niya inalis ang posibilidad ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas. 

Aniya, dapat daw na asahan na talaga ng publiko ang magiging pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa nagaganap na alitan ng iba’t ibang mga nasabing bansa sa Middle East. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘We need to expect that!' DOE, kinumpirma posibilidad na pagratsada ng presyo ng produktong petrolyo

KAUGNAY NA BALITA: De Lima, ipinapanukala 'fuel subsidy' para sa nakaambang epekto ng US-Israel, Iran war

Mc Vincent Mirabuna/Balita