Nagsalita na ang misis ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay na si Shiela Guevara, hinggil sa hinaharap na kontrobersiya ng kaniyang mister matapos ang mga naging pahayag nito tungkol sa actress-host na si Anne Curtis, sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa impeachment complaints na nakahain laban kay Vice President Sara Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records-Balita
Sa isang Instagram (IG) post na ibinahagi ni Shiela noong Huwebes, Marso 5, nilinaw niyang hindi nila kinukunsinti ang mga naging pahayag ni Rep. Suntay patungkol kay Anne.
“I want to be unequivocally clear: My children & I do not agree with, and we do not condone, the analogy made by Bong,” saad ni Shiela.
Paglilinaw niya, hindi raw totoo ang kumakalat na balita na pinagtawanan niya at aprub sa kaniya ang mga tinurang pahayag ng kongresista.
“The news circulating, that I laughed and therefore approved of what was said is false, and I will not allow that narrative to stand unchallenged,” paglilinaw niya.
Nagbahagi rin si Shiela ng isang mensahe para sa aktres at sa pamilya nito.
“To Anne Curtis and her family—I am deeply sorry. No woman should ever be spoken about that way, and I understand if words alone feel insufficient. Please know that my heart goes out to you, and I stand with you,” ani Shiela.
Giit niya, “Every woman—regardless of who she is, whose wife or daughter she may be, or whatever her background—deserves to be treated with dignity and respect. That is a value I hold deeply and will never compromise on.”
Panawagan pa ng misis ni Rep. Suntay, huwag daw sana silang idamay ng kanilang mga anak, sapagkat labas daw sila sa nasabing isyu.
“I also make this appeal with all sincerity: please leave me and my children out of this. We are not public figures. My children are children. No mother should have to watch her children be targeted and harassed for something they had no part in. I humbly ask the public and media to respect that boundary. Thank you,” aniya.
Photo courtesy: Shiela Guevara/IG
Matatandaang nanghingi na rin mismo si Rep. Suntay ng paumanhin kay Anne, subalit idiniin niyang hindi malisyoso ang kaniyang mga sinabi.
“While may mga tao siguro that found the analogy in bad taste, doon sa mga na-offend, inuulit ko, walang malice doon sa ninais nating gawin doon sa statement na iyon. Ayaw natin makasakit through that analogy. But kung may nasaktan, humihingi tayo ng dispensa. Kay Ms. Anne Curtis din, kung nasaktan siya sa sinabi, uulitin ko, there was no malice intended at tayo humihingi ng dispensa sa kaniya,” saad ni Suntay sa media noong Miyerkules, Marso 4.
MAKI-BALITA: Rep. Bong Suntay, nag-sorry kay Anne Curtis: ‘There was no malice intended!’-Balita
Samantala, wala pang pahayag o tugon si Anne kaugnay sa paghingi ng tawad sa kaniya ng misis ng nabanggit na kongresista.
Vincent Gutierrez/BALITA