May 18, 2026

Home SHOWBIZ

Hirit ni Vice Ganda: Bong Suntay, ‘di marunong mag-sorry?

Hirit ni Vice Ganda: Bong Suntay, ‘di marunong mag-sorry?
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YT), Bong Suntay (FB)

Pasimpleng binira ni Unkabogable Star Vice Ganda si 4th District Quezon City Rep. Bong Suntay na kamakailan ay naghayag ng malisyosong pahayag sa kaniyang “It’s Showtime” co-host na si Anne Curtis.

Sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Biyernes, Marso 6, tila biglang nalipat umano ang init ng ulo ni Vice sa isang contestant ng “Laro Laro Pick” matapos nitong mabanggit ang salitang “suso.”

“Pinag-iinit mo ‘yong ulo ko,” sabi ni Vice. “Napunnta sa ‘yo ‘yong bwisit ko kay Bong Suntay. Kanina kay Bong Suntay mainit [‘yong ulo ko]. Ngayon sa ‘yo na. “

“Huwag mo nang ipakita [‘yong bra]. Baka ma-imagine ka pa niyan. ‘Pag ikaw na-imagine niyan sinasabi ko sa ‘yo. Hindi naman ‘yon magso-sorry sa ‘yo,” dugtong pa niya.

Matatandaang binanggit ni Rep. Suntay ang kontrobersyal na pahayag tungkol kay Anne sa gitna ng kaniyang manifestation sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaint laban kay VP Sara.

‘Nagkakataon lang!’ Andrea Brillantes, ‘di mahilig sa atleta

Ibinahagi niya ang isang personal na halimbawang tumukoy kay Anne bilang analohiya sa pakikilahok umano ng Bise Presidente sa mga rally at sa mga pahayag nito tungkol sa pagiging “designated survivor.”

Aniya, “Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari.”

“Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” dugtong pa ni Rep. Suntay.

Samantala, nagpaabot naman na ang kongresista ng paumanhin para sa lahat ng nasaktan, lalo na kay Anne. Ngunit pinanindigan pa rin niya ang kaniyang sinabi.

"I stand by my statement," ani Rep. Suntay. "That analogy was used to prove that statements are oftentimes taken out of context. Nagsisisi ako na may nasaktang mga kababaihan because that was never the intention ng aking statement."

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Anne hinggil sa isyu.

Maki-Balita: Rep. Bong Suntay, nag-sorry kay Anne Curtis: ‘There was no malice intended!’