March 08, 2026

Home BALITA

PSA, may pa-libreng birth, marriage certificate sa mga kababaihan

PSA, may pa-libreng birth, marriage certificate sa mga kababaihan
Photo courtesy: PSA


Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na magsasagawa sila ng pa-libreng birth certificate at marriage certificate para sa mga kababaihan.

Kaugnay ito sa pagdiriwang ng “2026 National Women’s Month” ngayong buwan ng Marso.

Sa ibinahaging Facebook post ng PSA noong Miyerkules, Marso 4, ibinahagi nila ang detalye ng naturang inisyatibo.

Anila, tuwing araw ng Lunes, sa buong buwan ng Marso, isasagawa ang “free issuance” ng birth at marriage certificate.

Kailangan lang din daw na magdala ng isang valid ID.

DOE, nagbabala laban sa mga mananamantala ng presyo ng produktong petrolyo!

Samantala, ang nasabing “free issuances” ng birth at marriage certificate ay ikakasa lamang sa mga piling Civil Registry System (CRS) sa Metro Manila.

Photo courtesy: Philippine Statistics Authority/FB

Sa parehong anunsyo, sinabi ng PSA na mayroon ding isasagawang “Civil Registration and National ID Caravan” sa Barangay Kaybanban, San Jose Del Monte, Bulacan, sa darating na Marso 27.

Photo courtesy: Philippine Statistics Authority/FB

Vincent Gutierrez/BALITA