Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 2.4% inflation rate sa bansa noong Pebrero 2026.
Ayon sa datos na ibinahagi ng PSA nitong Huwebes, Marso 5, makikita ang bahagyang pagtaas ng antas ng presyo ng mga bilihin at iba’t ibang serbisyo sa bansa.
Noong Enero 2026 kasi, naitala ang 2.0% inflation rate, mas mababa ng 0.4% sa implasyon ng sumunod nitong buwan.
Photo courtesy: Philippine Statistics Authority/website
Kung ikukumpara naman ito sa tala noong Pebrero 2025, mas mataas ang implasyon ngayong Pebrero 2026, dahil 2.1% lamang ang inflation rate noong mga panahong iyon.
“The Philippines’ headline inflation or overall inflation increased to 2.4 percent in February 2026 from 2.0 percent in January 2026. In February 2025, the inflation rate was observed at 2.1 percent,” ani PSA sa kanilang Facebook post nito ring Huwebes, Marso 5.
Base sa mga nagdaang buwan, ito na ang ikatlong sunod na pagtaas ng inflation rate mula noong Nobyembre 2025.
Photo courtesy: Philippine Statistics Authority/website
Ayon pa sa nasabing ulat ng PSA, ilan lamang sa mga “main drivers” ng patuloy na pagtaas ng inflation rate ay ang “housing,” “water,” “electricity,” at “gas.”
Kabilang din sa mga salik ay ang “food,” “non-alcoholic beverages,” “restaurants,” at maging “accommodation services.”
Vincent Gutierrez/BALITA