March 07, 2026

Home SHOWBIZ

'Dress modestly!' Alvin Aragon, nakisawsaw sa isyu ni Rep. Suntay

'Dress modestly!' Alvin Aragon, nakisawsaw sa isyu ni Rep. Suntay

Muling nagbahagi ng kaniyang pananaw si Starstruck alumna Alvin Aragon hinggil sa naman sa konstroberyal na sexual remarks ni Quezon City Rep. Bong Suntay.

Sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Marso 4, 2026, ibinahagi ni Alvin ang panayam sa kaniya noon at ang naging pahayag naman ni Suntay, kung saan nanindigan siyang ang pananamit umano ng kababaihan ang susi upang makaiwas sa kasalanan.

"Kahit hindi si Anne ang tinitignan mo ng may pagnanasa may mag iinit sa loob mo, lalo na kapag nakalabas pa ang cleavage mo at legs..," ani Alvin.

Saad pa niya, "Kaya Filipino men protect your wife, may “Sin of lust” kasi."

May payo rin siya para naman sa kababaihan.

Tsika at Intriga

Misis ni Nikko Natividad, nagsalita na: ‘Masakit na masakit!’

"Filipino women dress modestly to avoid sexual desire. 'Kasi nga may Sin of lust,'" giit niya.

Iginiit din ni Alvin na mahirap aniyang iwasan ang naturang uwi ng kasalanan at sabay lapag ng Bible verse.

"Alam nyo mahirap talaga yan iwasan  si Jesus lang ang makakatulong sayo 

ma overcome 'yan. Jesus said:…if your eye causes you to sin, gouge it out and throw it away. It’s better to enter eternal life with only one eye than to have two eyes and be thrown into the fire of hell," aniya.

Matatandaang umani ng samu't saring mga reaksyon ang naging pahayag ni Suntay sa Kamara hinggil sa naging imahinasyon daw niya nang makita ang Kapamilya aktres na si Anne Curtis.

“Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” ani Suntay sa pagdinig.

"Pero ‘di naman siguro ako puwedeng kasuhan kung ano ang na-imagine ko eh," dagdag pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records

Samantala, nitong Huwebes, Marso 5, nang maghain na ng ethics complaint ang Gabriela Women’s Party laban sa naging pahayag ni Suntay.