March 08, 2026

Home BALITA National

1 sa 18 ex-marines, nanindigang walang kinalaman sa kanila si Defensor

1 sa 18 ex-marines, nanindigang walang kinalaman sa kanila si Defensor
Photo courtesy: News 5 (X), File Photo

Mariing nanindigan ang isa sa 18 na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine na wala umanong kinalaman sa kanilang desisyong paglitaw sa publiko at pagsisiwalat ng umano’y male-maletang pera sa mga opisyal ng pamahalaan noon ang dating mambabatas na si Mike Defensor. 

Ayon sa isinagawang press conference ng ilang miyembro ng 18 ex-marines, partikular sa inupload na video clip ng News 5, nitong Huwebes, Marso 5, 2026, mapapanood ang pagsasalita at paninindigan ng isa sa kanilang miyembro na mga katotohanan lamang daw umano ang isinisiwalat nila sa publiko. 

“Sa amin, sir, for the very beginning ang ano namin dito is katotohanan lamang ang sinasabi namin. Sana hindi kami gipitin. Hindi nila ibaba ‘yong credibility namin,” pagsisimula ng isang ex-marine. 

Anang ex-marine, wala raw na kinalaman sa kanilang anomang desisyon si Defensor. 

“From the beginning, walang kinalaman si Sir Mike Defensor. From the beginning, desisyon namin itong buo,” ‘ika niya. 

National

Sen. Jinggoy, kumambyo sa pagrereto sa prospect Gilas player kay Sen. Kiko

Dahilan niya, tila masyado na raw malaki ang utang ng Pilipinas at iniisip lang nila ang magiging kalagayan ng kanilang mga anak, taumbayan, at mahihirap na Pilipino. 

“Kasi sobra nang mag-18 point something trillion ang utang ng Pilipinas. Paano ‘yong mga anak namin? Paano [kaming] mamamayang Pilipino [at] mahihirap?” kuwestiyon niya. 

Dagdag pa niya, “Ang pondo ng gobyerno, ginaganyan nila. Sa ganitong sitwasyon namin ngayon, nagigipit kami kung sino na ang magbabanta. Sana tapusin na natin itong isyu na ito.” 

Aniya, iisa lang umano ang hiling ng lahat ng mga kagaya niyang miyembro ng nagpakilalang 18 ex-marines, kundi tapusin ang korapsyon sa bansa. 

“Tapusin ang korapsyon sa bansang Pilipinas. ‘Yon lang po ang hiling namin sa bawat isa sa amin,” pagtatapos niya. 

Kaugnay nito, matatandaang personal na nagtungo si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa Department of Justice (DOJ)  upang magsampa ng kaso laban sa kanila at kina Defensor, Atty. Levito “Levi” Baligod, dating broadcaster na si Jay Sonza, at iba pa. 

Bukod sa mga nabanggit, isa rin sa mga sasampahan umano ng kaso ni Trillanes sina dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy at vlogger na si Cathy Binag.

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, kakasuhan 18 ex-marines, Baligod, Defensor, atbp!

KAUGNAY NA BALITA: Mike Defensor, pinabulaanang may direktang kaugnayan sa 18 ex-marines

Mc Vincent Mirabuna/Balita