March 06, 2026

Home BALITA Probinsya

School Principal, timbog sa buy-bust operation!

School Principal, timbog sa buy-bust operation!

Inaresto ang isang school principal sa loob ng hinihinalang drug den sa Barangay Central, Mati City. 

Isinagawa ang buy-bust operation bandang 4:45 ng hapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Davao Oriental Provincial Office.

Kinilala ng mga awtoridad ang nadakip na principal sa alyas na “Jay,” residente ng Lupon, Davao Oriental. Hindi isinapubliko ng mga opisyal ang paaralang kaniyang pinaglilingkuran.

Kasama ring inaresto ang alyas na “Nene,” na tinukoy bilang umano’y maintainer ng drug den at siyang nagbenta ng ilegal na droga sa isang undercover operative sa isinagawang buy-bust. Nadakip din sa operasyon ang isa pang indibidwal na kinilalang alyas “John.”

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱50,000. Narekober din sa lugar ang ilang drug paraphernalia.

Probinsya

Pahinanteng natutulog, patay matapos magulungan ng truck!

Kasalukuyang nakakulong ang tatlong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Wala pang iba pang detalye na inilabas ang mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.