May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Turista at tour guide, sumakses sa organic encounter; nagkatuluyan!

Turista at tour guide, sumakses sa organic encounter; nagkatuluyan!
Photo courtesy: Love,Rica (TikTok screenshot, Den Captures via Good News (FB)

Pinatunayan ng isang turista at tour guide na may pag-asa pang makahanap ng forever sa organic encounter nang hindi inaasahang nabuo ang kanilang pag-iibigan sa kasagsagan ng kanilang pagta-travel. 

Sa kamakailang episode ng “Good News” ng GMA News, ibinahagi ng turistang si Rica Pendon ang istorya sa likod ng pinag-uusapang proposal sa kaniya ng dating tour guide at ngayo’y asawa nang si Kristmar Roberto. 

Saad ni Rica sa nasabing panayam, travel goals ang kaniyang prayoridad sa paggala sa iba’t ibang parte ng bansa. 

Ngunit pagpunta niya sa probinsiya ng Siargao, dito na niya nakilala si Kristmar. 

“Pumunta kami sa Siargao beach club, doon ko nakilala si Kristmar. Tapos sabi niya sa akin, hindi raw siya umiinom [ng alak]. Na-catch ‘yung attention ko sa gano’ng type. Napasabi rin ako sa kaniya na ‘kung magkaka-jowa ulit ako, same sa ugali mo,’” pagbabalik-tanaw ni Rica. 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Isang linggo matapos ang kaniyang biyahe sa Siargao, pumunta naman si Rica sa Buda, Davao City, kung saan, si Kristmar ulit ang kaniyang naging tour guide.

“Di ko in-expect na siya pa rin pala yung tour guide sa travel na ‘yon. Do’n sa tour na ‘yon, naging close ulit kami, mas nakilala namin ‘yung isa’t isa,” saad ni Rica. 

Ang naging susi rin daw ng mas pagmamabutihan ng dalawa ay ang pagpapadala ni Rica ng mga litrato ng tour kay Kristmar dahil phone niya ang ginagamit sa picture-taking. 

“‘Yung phone ko po ‘yung ginagamit sa pagpicture-picture. Sine-send ko po sa Messenger niya ‘yung photos, so nagkaroon po kami ng conversation,” ani Rica. 

Matapos ang tatlong linggo, muling nag-book si Rica ng tour, at sa hindi inaasahang pagkakataon, si Kristmar ulit ang kaniyang tour guide. 

Simula dito, umusad na ang relasyon nina Rica at Kristmar.

Hanggang sa makalipas ang isang taon nilang mag-nobyo, napagdesisyunan na ni Kristmar na lumuhod at alukin ng kasal si Rica. 

“Pinag-pray ko po talaga siya,” saad ni Kristmar. 

“Sa span na magkasama kami, naiintindihan niya ako. Nasasabayan niya ‘yung mood swings ko and very patient siya, very maalaga,” saad naman ni Rica. 

Kaya nito lamang Pebrero, kinasal na sina Rica at Kristmar. 

“Samahan mo akong mag-grind sa buhay para makamit natin ‘yung dreams natin together,” mensahe ni Rica sa asawa. 

“Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para mabuo nang maayos ang ating pamilya,” saad naman ni Kristmas para kay Rica.