Aabot sa 331 na kabataan ang nagpositibo sa sakit na human immunodeficiency virus (HIV) bunsod sa paulit-ulit umanong paggamit ng hiringgilya o “syringe” sa isang medical facility sa bansang Pakistan.
Ayon sa mga ulat, nahawa ang mga bata sa pagitan ng Nobyembre 2024 at Oktubre 2025.
Batay pa sa imbestigasyon, ginamit umano ang mga hiringgilya sa multi-dose vials nang hindi bababa sa sampung beses.
Base sa pagsusuri sa 331 kaso, lampas kalahati sa mga ito ay nakuha ang sakit bunsod ng paggamit ng isang “infected syringe.”
Samantala, napag-alaman din na ang pag-administer ng mga injection ay isinasagawa umano ng ilang medical staff nang hindi man lang gumagamit ng gloves; hindi rin naisasaayos ang medical waste; at iniiwan ang ilang kagamitan sa “non-sterile conditons.”
Gayunpaman, pinasinungalingan ng medical facility ang resulta ng nabanggit na imbestigasyon.