SILENCE PLEASE!
Ito na yata marahil ang isa sa mga pinakatanyag na katagang binibigkas ng mga librarians.
Paano ba naman kasi, nararapat naman talagang panatilihin ang katahimikan sa library—dahil ito ay isang pook na dapat ang lahat ng nandirito ay hindi puwedeng istorbohin.
Karamihan sa mga namamalagi sa library—kung hindi nagpapahinga, nagpapalipas-oras, ay nag-aaral para sa kanilang mga aralin sa klase.
Pero may isang katangian ang mga librarian na tila tangan-tangan nilang lahat—ito ay ang pagiging istrikto daw ng mga ito.
Bakit kaya?
Ayon sa isang artikulo ng pahinang “Library Research Guides,” isa raw itong paraan upang sila ay makatulong sa mga tao o estudyanteng nasa loob ng isang silid-aklatan.
“Librarians in the media often appear as strict, stern, humorless figures who guard the information in libraries,” mababasa sa artikulo.
“We librarians like to think that you know that we are deeply committed to helping you find the information you need, that we truly want to help you locate and get your hands on information instead of guarding information like scary dragons. But you couldn't be blamed for thinking otherwise."
Base pa sa parehong source, mahalaga ang librarians sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
“Considering the increasing importance of being able to navigate an ever-expanding sea of information to find the information you, specifically, need, these portrayals of librarians do a real disservice,” dagdag pa nito.
Batay naman sa artikulo na mababasa sa pahinang Book Riot, hindi naman daw talaga“rude” ang personality ng librarians.
Sa katunayan, madalas pa nga raw itong “underpaid” at “overworked.”
Kadalasan, buong araw din sila kung magtrabaho.
Sa usapin ng pagiging istriko, marahil ang pagiging ganoon daw ng librarians ay isang paraan upang matiyak na nasa kaayusan ang silid-aralan.
“In pursuit of making a space that is comfortable for all, sometimes we have to observe seemingly strict rules and policies to ensure that space is accessible for all,” mababasa sa parehong artikulo.
Kaya’t kung makakakita ng isang librarian, pasalamatan ang kanilang serbisyo hindi lamang para sa mga mag-aaral sa paaralan, kung hindi para sa buong komunidad.