May 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Gurong umawat sa pagnanakaw, binalingan ng binatilyong kawatan!

Gurong umawat sa pagnanakaw, binalingan ng binatilyong kawatan!
Photo courtesy: Freepik

Nasakote ng mga awtoridad ang isang 17-anyos na lalaki matapos umanong tangkaing saksakin ang isang gurong pumigil sa kaniyang pagnanakaw sa isang matandang lalaki sa Zamboanga City.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa La Purisima Street noong gabi ng Abril 15, 2026 nang umano’y tangkain ng binatilyo na kunin ang mga gamit mula sa bag ng isang senior citizen. 

Napigilan ito nang mapansin ng guro ang pangyayari at agad na nagbabala sa biktima.

Sa halip na umatras, sinundan umano ng suspek ang guro, kinompronta ito, at tinakot gamit ang isang icepick bago tuluyang tumakas sa lugar.

Agad namang ini-report ng guro ang insidente sa pulisya, na naglunsad ng operasyon upang matunton ang suspek. 

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Sa tulong ng CCTV footage, natukoy ang pagkakakilanlan ng binatilyo at kalauna’y naaresto. Iniharap ang suspek sa tanggapan ni Mayor Khymer Olaso, kasama ang kaniyang kinakasama at hipag na 25-anyos.

Pinuri ni Mayor Olaso ang mabilis na aksyon ng pulisya at nagkaloob ng ₱30,000 pabuya sa impormanteng tumulong sa pagkakahuli ng suspek.

Samantala, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

“The case remains under investigation as authorities continue to validate statements and monitor similar street-level incidents in the city,” ayon sa pamahalaang lungsod.