March 08, 2026

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, abangers sa pagkastigo ni VP Sara kay Rep. Suntay

Ogie Diaz, abangers sa pagkastigo ni VP Sara kay Rep. Suntay
Photo Courtesy: via MB, Ogie Diaz, Bong Suntay (FB)

Nakaantabay si showbiz insider Ogie Diaz sa pagkastigo ni Vice President Sara Duterte sa kontrobersiyal na pahayag ni 4th District Quezon City Rep. Bong Suntay patungkol kay “It’s Showtime” host Anne Curtis.

Ito ay matapos ihayag ni Rep. Suntay ang suporta niya sa kandidatura ni VP Sara sa pagkapangulo sa darating na 2028 elections.

“Let’s see kung kakastiguhin din ni VP Sara ang supporter niyang si Cong. Bong Suntay,” saad ni Ogie sa kaniyang latest Facebook post nitong Miyerkules, Marso 4.

Dagdag pa niya, “Babae din ang VP. Ayaw niyang binabastos o ‘ini-imagine ng kahalayan’ ang mga kababaihan.”

Matatandaang binanggit ni Rep. Suntay ang kontrobersyal na pahayag tungkol kay Anne sa gitna ng kaniyang manifestation sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaint laban kay VP Sara. 

Tsika at Intriga

Banat ni Anne Curtis: 'Any leader who cannot respect women does not understand leadership at all!'

Ibinahagi niya ang isang personal na halimbawang tumukoy kay Anne bilang analohiya sa pakikilahok umano ng Bise Presidente sa mga rally at sa mga pahayag nito tungkol sa pagiging “designated survivor.”

Aniya, “Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari.”

“Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” dugtong pa ni Rep. Suntay.

Samantala, nagpaabot naman na ang kongresista ng paumanhin para sa lahat ng nasaktan, lalo na kay Anne. Ngunit pinanindigan pa rin niya ang kaniyang sinabi.

"I stand by my statement," ani Rep. Suntay. "That analogy was used to prove that statements are oftentimes taken out of context. Nagsisisi ako na may nasaktang mga kababaihan because that was never the intention ng aking statement."

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Anne hinggil sa isyu.

Maki-Balita: Rep. Bong Suntay, nag-sorry kay Anne Curtis: ‘There was no malice intended!’