Naghayag umano ng pag-aalala si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ianunsiyo ng anak niyang si Vice President Sara Duterte ng plano nitong kumandidatong Presidente sa 2028 elections.
Sa panayam ng vlogger na nasa likod ng Facebook page na “Alvin & Tourism” kamakailan, sinabi ng kapatdi ni VP Sara na si Kitty Duterte na natatakot umano ang ama nila para rito.
Aniya, “May sinabi siya na, although he’s giving with pride hearing that, he also feels fear for her talaga.”
“Because he said na parang there’s no amount of adulation and honor could ever compensate for the misery and agony daw of being president. Sabi niya, ‘Look at me now. Ito ang trono ko,’ pertaining to the chair beside him,” dugtong pa ni Kitty.
Samantala, bagama’t natatakot din, naniniwala umano si Kitty na kakayanin ni VP Sara na maging Pangulo dahil mas matapang pa umano ang huli sa kanilang tatay.
“Alam namin kaya niya. Siya pa ba, ‘di ba? Alam n'yo 'yong ugali ni VP Sara. Mas matapang pa 'yan sa tatay namin. Saka fighter talaga,” aniya.
Maki-Balita: Kitty, suportado pagtakbong Pangulo ni VP Sara
Matatandaang inanunsiyo na ni VP Sara noong Pebrero 18 na handa siyang tumakbo bilang Pangulo sa 2028 elections.
Maki-Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!
Matapos ito, kaliwa’t kanang pahayag mula sa iba’t ibang personalidad at grupo ang nagsilabasan upang ipakita ang pagkiling nila sa kandidatura ng kasalukuyang Bise Presidente.
Maki-Balita: Partido Reporma, suportado Sara-Marcoleta sa 2028!
Maki-Balita: PDP Laban, suportado pagtakbo ni VP Sara sa pagkapangulo
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inaanunsyo si VP Sara kung sino ang magiging running mate niya sa darating na halalan.