May 11, 2026

Home BALITA Eleksyon

Kitty, suportado pagtakbong Pangulo ni VP Sara

Kitty, suportado pagtakbong Pangulo ni VP Sara
Photo Courtesy: Screenshot from Alvin & Tourism (FB), Santi San Juan/MB

Nagbigay ng reaksiyon si Kitty Duterte sa deklarasyon ng kandidatura sa pagkapangulo ng kapatid niyang si Vice President Sara Duterte sa darating na 2028 elections.

Sa panayam ng vlogger na nasa likod ng Facebook page na “Alvin & Tourism” noong Lunes, Marso 2, sinabi ni Kitty na lahat umano sila ay proud kay VP Sara bagama’t hindi rin nila umano maiwasang matakot.

“All of us are very proud. But also, there's this fear inkling for her, of course. She has children na bata pa. And you know, that makes all of us a target,” saad ni Kitty.

Ngunit dagdag niya, “Alam namin kaya niya. Siya pa ba, ‘di ba? Alam n'yo 'yong ugali ni VP Sara. Mas matapang pa 'yan sa tatay namin. Saka fighter talaga.”

Matatandaang inanunsiyo na ni VP Sara noong Pebrero 18 na handa siyang tumakbo bilang Pangulo sa 2028 elections.

Eleksyon

VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028

Aniya, “Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.”

Maki-Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

Matapos ito, kaliwa’t kanang pahayag mula sa iba’t ibang personalidad at grupo ang nagsilabasan upang ipakita ang pagkiling nila sa kandidatura ng kasalukuyang Bise Presidente.

“Partido Reporma formally expresses its support for Vice-President Inday Sara Duterte as a candidate for President of the Republic of the Philippines, and for Senator Rodante Marcoleta as a candidate for Vice-President in the 2028 national elections,” anang partido sa inilabas nilang pahayag noong Huwebes, Pebrero 19.

Maki-Balita: Partido Reporma, suportado Sara-Marcoleta sa 2028!

Sabi naman ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP Laban), “Naniniwala [kami] na ang ganitong uri ng pamumuno—may puso, may tapang, at may tunay na malasakit—ang kailangan ng ating bansa sa mga darating na taon.”

Maki-Balita: PDP Laban, suportado pagtakbo ni VP Sara sa pagkapangulo

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inaanunsyo si VP Sara kung sino ang magiging running mate niya sa darating na halalan.