March 06, 2026

Home BALITA National

FPRRD na-depress, namayat sa ICC detention center?

FPRRD na-depress, namayat sa ICC detention center?
Photo courtesy: Alvin & Tourism (FB), File Photo

Nagbigay ng komento si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kaugnay sa impresyon umano niya sa sitwasyon at muling naging pagbisita niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention center ng International Criminal Court (ICC). 

Ayon sa naging pahayag ni Mayor Baste matapos ang kaniyang naging pagbisita sa dating Pangulo nitong Miyerkules, Marso 4, 2026, inamin niyang namayat umano ang kaniyang ama dahil madalas daw itong walang ganang kumain. 

Diin pa niya, makakaramdam daw kahit sino ng depresyon o labis na pag-iisip kung sila man ang mapupunta sa detention center unit ng ICC sa The Hague, Netherlands. 

“Of course [pumayat]. Lahat naman siguro. Kapag ikaw, nilagay sa detention unit, you get depressed. You don’t want to eat the food because wala siyang gana,” pagsisimula niya. 

Dagdag niya, “I think that’s natural for everyone.” 

National

4-day workweek, pansamantalang ipatutupad sa ilang executive offices ng pamahalaan

Paglilinaw naman ni Baste, hindi umano ang mga pagkain sa loob ng detention center ang nakakapagpapayat sa kaniyang ama kundi ang sitwasyong kinalalagyan nito. 

“It’s not the food. It’s the situation that he’s in,” aniya. 

Tungkol naman sa paparating na kaarawan ni FPRRD sa Marso 28, 2026, sinabi ni Baste na wala raw silang plano para dito dahil hindi naman daw sila nagdiriwang ng kaarawan sa kanilang pamilya. 

“Wala. We don't even celebrate our own birthdays… It’s just [practice] on the family,” pagtatapos niya. 

Kaugnay nito, nilinaw rin sa publiko ni Mayor Baste na lagi raw handa ang pamilya nila at maging si FPRRD sa anomang magiging resulta o desisyon ng ICC kaugnay sa mga kasong kinakaharap niya.

KAUGNAY NA BALITA: 'We, even my father, are always prepared!' Mayor Baste, handa sa anomang resulta ng ICC

Saad niya, “It’s a complex situation. You have the ICC involved, you have these people in the Philippines who are left leaning, and these are social states—the European Union. There’s so much ambiguity around everything that’s happening right now.”

Ani Mayor Baste, lagi raw silang handa ng kanilang pamilya at maging si FPRRD at hindi raw sila pumupunta sa doon para umiyak-iyak lang. 

“We’re always prepared. We are always prepared. Even my father is prepared. Wala kami dito para iiyak lang,” paninigurado pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Kitty kay FPRRD: 'He has dryer lips and skin than usual!'

KAUGNAY NA BALITA: Kitty Duterte kay FPRRD: 'I miss you, papa'

Mc Vincent Mirabuna/Balita