Hindi pa man nagsisimula, kumontra na agad si Sen. JV Ejercito sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte .
Sa isang Facebook post kasi ni Sen. JV kamakailan, pinasalamatan niya ang mga taga-Davao de Oro sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kaniya matapos niyang bumisita rito.
“Thank you very much to the people of Davao de Oro for the warm welcome to us! I will never forget this!,” anang senador.
Komento naman ni dating senatorial candidate Dr. Richard Mata, “Yes, basta ayaw lang i-impeach si VP Sara para makabalik ka.”
“Mula noon ‘di po ako pabor sa impeachment dahil very divisive at nakakadagdag sagabal sa tunay na kaunlaran,” sagot ni Sen. JV.
Sa kasalukuyan, apat na impeachment complaint na ang nakahain laban kay VP Sara.
Ngunit inanunsiyo ng grupong Tindig Pilipinas noong Linggo, Marso 1, na babawiin nila ang kanilang reklamo sa Bise Presidente upang lubos na masuportahan ang ikatlong impeachment complaint na naglalaman din ng parehong alegasyon at substantial evidence gaya ng naunang inihain nila.
Maki-Balita: Tindig Pilipinas, babawiin impeachment complaint nila laban kay VP Sara