Nanindigan ang Department of National Defense (DND) na walang direktang banta ang sigalot ng Iran laban sa US-Israel forces, sa mga Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.
Sa pahayag na inilabas ni DND Spokesperson Arsenio Andolong, idiniin niyang ang EDCA ay hindi pagmamay-ari ng US at hindi maaapektuhan ng kaguluhan sa Middle East.
"There is no credible direct threat to the Philippines," ani Andolong.
Saad pa niya, 'Our EDCA sites are Philippine facilities. They do not belong to the US, nor are they being used to launch or stage assaults against another country."
Aniya, ang EDCA ay pinagsamang military training para sa seguridad ng Pilipinas.
"They are for joint training, HADR, and the defense and security of our country," saad ni Andolong.
Sa kasalukuyan, mayroong 9 na EDCA sites sa bansa na nasa: Pampanga, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, dalawa sa Palawan, Cebu, Isabela at dalawa sa Cagayan.
Matatandaang umugong ang banta sa seguridad ng Pilipinas matapos ang pagpalag ng Iran sa pwersa ng pambobomba sa kanila ng US at Israel kung saan pinasabog naman nito ang ilang military bases ng US sa Bahrain, Iraq, Qatar, Kuwait at United Arab Emirates (UAE).
Ayon sa ulat ng US, tinatayang nasa tatlong service members ang nasawi sa kanilang hanay habang lima naman ang malubhang nasugatan.