Nag-react ang Kapuso actress, TV host, at beauty queen na si Herlene Budol sa napansin niyang pag-like ni South Sudanese-American professional basketball player Bol Bol sa kaniyang social media posts na nakasuot siya ng bikini.
Nitong Linggo, Marso 1, ibinahagi ni "Hipon Girl" ang screenshot ng pag-like ni Bol Bol sa dalawang bikini photos niya.
Pabirong caption ni Herlene, "Nag hahanap na ata ng Import si bol bol."
Photo courtesy: Screenshot from Herlene Hipon Budol/FB
Sa comment section, may pahabol na hirit pa si Herlene sa puwedeng pangalan ng "love team" nila kapag nagkataon.
"Pwede pwede dol bol hahaha," aniya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"Be careful pre Herlene because when u go black u might never comeback HAHAHA."
"Once you go Black, You never comeback."
"the future is bright HAHAHAHAA."
"G na yan lods para sa future NBA ng Pinas."
Matatandaang dumating sa Pilipinas ang dating National Basketball Association (NBA) player bilang import sa TNT Tropang 5G ng Philippine Basketball Association (PBA).
Nag-viral pa nga ang isang newscaster sa "Balitang A2Z" matapos matawa habang ibinabalita ang pagdating niya sa Pilipinas.
Kaugnay na Balita: Hindi kinaya! Newscaster, natawa habang ibinabalita si 'Bol Bol'
Kaugnay na Balita: 'Bol Bol' sana hindi na-offend, sey ng natawang newscaster