Humingi ng paumanhin ang Kapuso actor at TV host na si Mavy Legaspi matapos siyang batikusin online kaugnay ng kaniyang pagho-host sa Big Night ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0, na ginanap noong Sabado ng gabi, Pebrero 28.
Sa kaniyang Instagram Story, inamin ni Mavy na nagkaroon ng teknikal na aberya sa program flow, partikular ang matinding microphone delay na nakaapekto sa kanilang pagsasalita sa entablado.
“To my PBB Online-Verse family, thank you and congrats to us! We experienced the worst microphone delay and could literally hear our voices echo in the venue which made it difficult to talk,” ani Mavy.
Dagdag pa niya, humihingi siya ng paumanhin kung tila naging “awkward” o hindi pulido ang kanilang hosting sa naturang event, lalo na sa live audience at sa mga nanood online.
“I would like to apologize if I sounded low at times during our online live session on YouTube & Facebook. We did our best even if it was really difficult because of the sound delay. Thank you for being patient with us!” pahayag niya.
Photo courtesy: Screenshot from Mavy Legaspi/IG
Bago pa ang pormal na paghingi ng dispensa, nag-live na rin si Mavy upang tugunan ang isyu at ipaliwanag ang sitwasyon sa likod ng kamera.
Sa isa pang Instagram story, makikitang tila maging si Mavy ay na-cringe matapos sigurong panoorin ang sarili niya.
“OMG #cringe nga! Anyway, thank you for supporting PBB Collab 2.0. It was a very successful night. Congrats Caprice & Lella!
"Love you all! #cringe," aniya.
Dagdag pa niya, "That’s why I went Live kanina to talk about this cringe moment. Haha. Happy Sunday!”
Photo courtesy: Screenshot from Mavy Legaspi/IG