March 01, 2026

Home BALITA Probinsya

Magkapatid, timbog sa illegal drug buy-bust operation

Magkapatid, timbog sa illegal drug buy-bust operation
Photo courtesy: PNP (FB)

Natimbog ng Philippine National Police (PNP) ang magkapatid na drug suspect sa isang buy-bust operation sa Barangay Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City, kamakailan. 

Sa ulat ng PNP nitong Linggo, Marso 1, ang nasabing magkapatid ay kinilala sa mga alyas na “Aji” at “Batwan,” na nasa edad 20 at 21, at parehas residente ng Mandurriao. 

Anila, naaresto ang magkapatid matapos itong manmanan ng mga awtoridad, kasama ang impormasyon mula sa ilang concerned citizens at barangay. 

Nasamsam sa buy-bust operation ang tinatayang 280 gramong pinagsususpetsahang shabu, na may halagang ₱1,904,000.00.

Kabilang din sa mga nakuha ng mga awtoridad ay mga markadong pera at ilan pang kagamitan na ginamit sa kanilang ilegal na gawain. 

Probinsya

Bride-to-be na sakay ng motorsiklo, patay sa salpok ng kotseng nag-counterflow

Tiniyak ng PNP na papatawan ng karampatang parusa ang magkapatid dahil sa kanilang paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” kabilang ang pagkakakulong habambuhay na pagkakakulong. 

Sean Antonio/BALITA