March 01, 2026

Home BALITA Internasyonal

'Immediate ceasefire!' China, nababahala sa tensyon ng US-Israel at Iran

'Immediate ceasefire!' China, nababahala sa tensyon ng US-Israel at Iran
Photo courtesy: Unsplash, MB


Nangangamba ang China sa nagaganap na girian sa pagitan ng puwersa ng Estados Unidos at Israel laban sa bansang Iran.

Ito ay matapos ikasa ng US-Israel ang kanilang pag-atake sa Iran noong Sabado ng umaga, Pebrero 28, kung saan pinaulanan nila ng airstrikes ang nasabing bansa.

Sa isang emergency session ng United Nations Security Council noon ding Sabado, Pebrero 28, ipinahayag ng China ang kanilang pagkabahala sa tensyon ng mga nabanggit na bansa—kung kaya’t ipinapanawagan nila ang “immediate ceasefire” ng nasabing kaguluhan.

Ayon pa sa kanila, bukas din daw ang kanilang panig na makipagtulungan sa international community upang magtaguyod ng kapayapaan sa rehiyon ng Gitnang Silangan.

Anila, huwag na raw palakihin pa ang isyu at idaan na lamang sa mapayapang dalayogo ang hidwaan.

Internasyonal

'No direct threat!' AFP, tiniyak seguridad ng bansa sa kasagsagan ng gulo sa Middle East



Samantala, pinaalalahanan naman ng embahada ng China sa Israel ang Chinese community doon na lisanin na ang mga apektadong lugar ng tensyon.

Abiso nila, tumungo sa bansang Egypt gamit ang Taba border crossing.

Vincent Gutierrez/BALITA