March 01, 2026

Home BALITA Internasyonal

Ilang flights, kinansela sa kasagsagan ng tensyon sa Middle East

Ilang flights, kinansela sa kasagsagan ng tensyon sa Middle East
Photo courtesy: Tomer Neuberg, Hassan Ammar (AP Photos)

Kinansela na ng ilang airlines sa bansa ang mga biyaheng Middle East bunsod ng umiinit na tensyon sa ilang bansa rito kamakailan. 

Dahil dito, narito ang ibinabang flight cancellations ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific (CEB) para ngayong Linggo, Marso 1. 

PAL

PR658 / PR659: Manila - Dubai - Manila

PR654 / PR655: Manila - Riyadh - Manila 

Internasyonal

DMW, nagpaalala sa OFWs ng Israel na sundin abiso ng embahada

Noon namang Sabado, Pebrero 28, narito ang mga nauna nang nakanselang biyahe: 

PR684: Manila – Doha

PR655: Riyadh – Manila

PR659: Dubai – Manila

Pinabalik naman sa bansa ang flight PR654 na biyaheng Manila - Riyadh noong Pebrero 28; at ang flight PR658 na biyaheng Manila - Dubai sa kaparehang araw. 

Saad ng PAL sa kanilang advisory, patuloy silang nakabantay sa mga pangyayari na nagaganap sa Middle East, at tiniyak na nakikipag-ugnayan na sila sa ilan pang aviation authorities, airport operators, at mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan. 

Anila, maaaring mag-avail ng rebooking, rerouting, o refund ang mga apektadong pasahero. 

Paalala din nila sa mga pasahero na mangyari lamang na antabayanan ang kanilang flight status sa PAL website, mobile app, o opisyal na social media channels bago magtungo sa airport. 

CEB

 5J 14/15: Manila-Dubai-Manila

Pinabalik din sa bansa ang Flight 5J 14, na biyaheng Manila - Dubai noong Pebrero 28. 

Saad ng CEB sa kanilang travel advisory, ang mga apektadong pasahero ay kanila nang na-update sa kanilang email at nabigyan na ng iba pang options tulad ng free rebooking, travel fund, at refund. 

Bukod sa local flights na ito, nagsuspinde at nagre-route na ng mga biyahe ang ilan pang bansa na patungo o pabalik sa anumang bansa sa Middle East, ayon sa tala ng Hindustan Times, noong Pebrero 28. 

Ang airlines na ito ay ang mga sumusunod:

- Emirates Airlines

- Pakistan International Airlines (PIA)

- Iberia Express

- Virgin Atlantic 

- KLM Royal Dutch Airlines

- Wizz Air

- Russian Ministry of Transport/Russian Airlines

- Air India

- Air India Express

- IndiGo 

- Lufthansa 

- LOT Polish Airlines

- Turkish Airlines 

- Bulgaria Air

- Qatar Airways

- Japan Airlines

- Kuwait Aviation Authority

- Swiss International Air Lines 

- Oman Air

- flydubai

- Aegean Airlines

- Swiss International Air Lines

- SpiceJet

- British Airways

- Air France 

Sa kaugnay na ulat, pormal na inanunsyo ni US President Donald Trump ang pagsisimula umano ng mga pag-atake sa bansang Iran, noong Pebrero 28. 

MAKI-BALITA: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!

KAUGNAY NA BALITA: Pahlvi kay Trump:' Exercise the utmost caution to preserve the lives of civilians!'

Sa kasalukuyan, nakaantabay na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Pilipinong apektado ng sigalot sa Iran at Israel at mga karatig-bansa nito. 

MAKI-BALITA: PBBM pinag-utos sa DFA at DMW na alamin kinaroroonan ng mga Pinoy sa Iran, Middle East

Sean Antonio/BALITA