March 01, 2026

Home BALITA

ES Recto, isa nang Auxiliary Vice Admiral ng PCGA

ES Recto, isa nang Auxiliary Vice Admiral ng PCGA
Photo Courtesy: OES (FB)

Opisyal nang kasapi bilang auxiliary vice admiral si Executive Secretary Ralph Recto ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA).

Sa latest Facebook post ng Office of the Executive Secretary nitong Linggo, Marso 1, makikita ang serye ng mga larawan ni Recto na kuha sa ginanap na donning at oath-taking ceremony kamakailan. 

“As I don this uniform that now rests on my shoulders, I do so with humility, with duty, and with responsibility. This is not a cosplay. But a commitment,” saad ni Recto.

Dagdag pa niya, “Sisiguraduhin natin ang ating mga karagatan. Susuportahan natin ang ating Coast Guard. At ipagtatanggol natin kung ano ang atin.”

Binigyang-diin din ni Recto ang ₱42.52 bilyong alokasyon para sa PCG ngayong taon. Nilalayon nitong palakasin ang puwersa ng mga opisyal, kahandaan sa pagpapatakbo, at pangmatagalang pagpapaunlad ng kakayahan.

Internasyonal

'No direct threat!' AFP, tiniyak seguridad ng bansa sa kasagsagan ng gulo sa Middle East

“It forms part of the President’s broader goal: to bridge troubled waters and usher in an era of maritime prosperity,” anang executive secretary.

Bukod kay Recto, miyembro na rin ng PCG ang anak-anakan niyang si Kapamilya host Luis Manzano na isa nang Auxiliary Commodore.