March 01, 2026

Home BALITA Internasyonal

8 katao, sugatan mula sa pag-atake ng Iran; 1 kritikal!

8 katao, sugatan mula sa pag-atake ng Iran; 1 kritikal!
Photo courtesy: Doha News (FB screenshot)

Tinatayang walong tao ang naitalang sugatan mula sa missile attacks ng Iran sa Doha, Qatar, ayon kay Qatar Ministry of Interior spokesperson Abdullah Khalifa Al-Muftah, noong Sabado, Pebrero 28. 

Base pa sa ulat ng Doha News mula sa nasabing press conference, isa sa mga sugatan ay nasa kritikal na kondisyon, at habang stable ang Qatar sa kasagsagan ng mga nasabing pag-atake, 114 ang naitalang bilang ng falling missile debris sa buong bansa. 

Natuklasan din ng mga awtoridad ang 65 ballistic missiles at 12 drones mula sa pag-atake ng Iran. 

Sa mga bilang na ito, 63 missiles at 11 drones ang na-“shot down” ng Qatar bago maabot ng mga pag-atakeng ito ang kanilang umano’y “targets.” 

Bukod pa rito, binanggit pa sa press conference na dahil sa tindi at kalat na pag-atake ng Iran sa iba’t ibang direksyon, dalawang ballistic missiles ang umabot sa Al-Udeid Air Base habang isang drone ang tumira sa isa sa early warning radars ng Qatar. 

Internasyonal

Ilang oil and gas traders sa Middle-East, nagsuspinde ng operasyon dahil sa US-Israel attacks

Dahil sa mga pag-atakeng ito, nakatanggap ng phone alerts ang mga residente sa Qatar upang balaan ang mga ito sa mga badyang panganib. 

Sa kasalukuyan, tiniyak naman ng Ministry of Public Health (MoPH) ng Qatar ang kanilang kahandaan sa pagresponde sa emergencies, habang ang healthcare facilities nila ay patuloy na nag-ooperate at nakaantabay. 

Inanunsyo naman ng Qatar Ministry of Education and Higher Education ang pansamantalang paglipat ng kanilang mga klase sa remote learning simula Marso 1. 

Gayundin ang remote work para sa mga empleyado sa mga ahensya at institusyon. 

Sean Antonio/BALITA