February 28, 2026

Home BALITA National

Palasyo, pinabulaanan bali-balitang isinugod sa ospital si PBBM!

Palasyo, pinabulaanan bali-balitang isinugod sa ospital si PBBM!
Photo courtesy: File Photo

Nilinaw ng Malacañang sa publiko na hindi totoo ang umano’y kumakalat na balitang dinala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa ospital. 

Ayon sa naging paglilinaw ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro nitong Sabado, Pebrero 28, 2026, sinabi niyang nagawa pa nga raw dumalo sa isang pagpupulong ng Pangulo kaninang umaga. 

Tila taliwas umano ito sa bali-balitang dinala sa ospital si PBBM sa isang ospital sa Quezon City dahil nasa mabuti naman daw siyang kalagayan.

"The President was in a private meeting with the Presidential Management Staff this morning. He is well, healthy, and working even on a Saturday," paglilinaw ni Castro. 

National

911 hotline, nakakatanggap ng higit 300 VAWC-related cases kada buwan!

Matatandaang noon lamang Enero 22, 2026, ay pormal na inanunsyo ni Castro sa publiko na nagpalipas ng gabi si PBBM dahil sa pagsailalim sa medical observation sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos umano nitong makaranas ng “discomfort" noong Enero 21, 2026.

Agad din namang personal na kinumpirma ni PBBM ang pagbuti ng kaniyang kalusugan noon ding hapon ng Enero 22, 2026 matapos siyang ma-diagnose ng sakit na “Diverticulitis.” 

“I’m fine. I’m feeling very different from the way I was feeling before. Naayos na ‘yong problema. What happened was now I have ‘Diverticulitis.’ It’s a common complaint amongst, apparently, people who are heavily stressed and people who are, I have to admit, growing old,” saad ni PBBM.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sumailalim sa medical observation dahil sa discomfort!—Palasyo

KAUGNAY NA BALITA: ‘Wag muna kayo masyadong excited!’ PBBM binunyag ang sakit, hindi raw life threatening

Mc Vincent Mirabuna/Balita