Binalaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang mga mahihilig mangutang dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng online lending scam sa bansa.Â
Sa press conference ng CICC noong Biyernes, Pebrero 27, ibinahagi ni Atty. Aboy Paraiso na simula Enero 1 hanggang Pebrero 25, 2026, nakapagtala sila ng 599 bilang ng mga reklamo sa online lending scam.Â
Sa kabuoang bilang na ito, 278 ang nabiktima ng online debt harassment; 118 ang mga nahulog sa loan scams; 92 ang nabiktima ng deceptive lending practices; 100 ang mga pinagbabayad ng advance fees ngunit hindi nakuha ang pera; at 11 ang naloko ng mga hindi rehistradong lending companies.Â
Isa pa ikinababahala ng CICC ay ang mataas na bilang ng kabataan at mga propesyunal na nabibiktma ng lending scam, na binubuo ng 18 hanggang 29-anyos; sinundan ito ng 30-39-anyos; at 40 hanggang 49-anyos.Â
Bukod pa rito, 74% ng complainants ay mga kababaihan, habang 26% naman ang kalalakihan.Â
Pinangalanan din ng CICC ang âTop 10 Unregistered Online Lending Apps (OLA)â na naitala nila noong Pebrero 2026.Â
Ang nasabing apps na ito ay binubuo ng mga sumusunod: Credipillar, Lending App, RLOAN PRO, Peso.PH, PesoKwento, QuickPeso, SupermeMoney, Waltercash, WealthZip, at PeraMo.Â
âKapag idinownload nâyo ang apps na ito, para nâyo na ring ibinigay ang susi sa inyong bahay sa mga kriminal. Nakukuha nila ang inyong personal photos, messages, contact list, at friends [list], kung saan ipapahiya nila kayo,â babala ni Paraiso.Â
Aniya pa, may iba pang pamamaraan ng psychological torture ang lending apps na ito para sa mga taong hindi nakakabayad ng inutang nilang pera.Â
âKapag hindi ka nagbayad, dito na magsisimula ang psychological torture. Tatawagan nila ang inyong boss, ite-text nila ang inyo kaibigan, ipapahiya kayo sa social media, na kayo ay isang scammer at hindi marunong magbayad [ng utang], at ang pinakagrabe, may pinapadalhan pa ng mga bulaklak para sa patay kahit buhay pa ang borrower,â dagdag ni Paraiso.Â
Dahil dito, inilunsad ng CICC ang inisyatibang âFast Cash: Mag-ingat sa Scamâ upang tugunan ang talamak na mga panlolokong ito sa pera.Â
Kaya paalala ni Paraiso sa publiko, kapag ang pangako ng isang OLA ay âtoo good to be true,â malamang ay hindi ito totoo, kaya aniya pa, huwag matakot magduda at magsumbong sa mga awtoridad.Â
Ilan pa sa paalala ng CICC, tatak din ng mga ilegal na OLA ang paghingi ng paunang bayad at mataas na interes at pagkakaroon ng hidden fees.Â
Bilang karagdagang pag-iingat, hinikayat nila ang publiko na tumawag sa CICC hotline na 1326 kapag napansin ang âred flagsâ na ito sa pangungutang o kayaây mag-message sa CICC Facebook page.Â
Sean Antonio/BALITAÂ