February 25, 2026

Home BALITA National

VP Sara, 'di na umaasa makabalik si FPRRD sa bansa?

VP Sara, 'di na umaasa makabalik si FPRRD sa bansa?
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nagbigay ng komento si Vice President Sara Duterte kaugnay sa posibilidad na makabalik pa ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas sa kabila ng mga kinakaharap nitong kaso sa International Criminal Court (ICC). 

Matatandaang nauna na nang inilahad sa publiko ni VP Sara ang naging huling habilin umano noon ng dating Pangulo na i-cremate siya kung saan siya mamamatay.

“"Kung mamatay daw siya dito sa Netherlands, huwag na daw iuwi ‘yong kanyang katawan sa Pilipinas. Ipa-cremate lang daw siya dito,” saad ng vice president noong Hulyo 8, 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, may huling habilin na; ipa-cremate siya sa Netherlands

Ayon naman sa naging bagong pahayag ni VP Sara sa panayam sa kaniya ng media sa Iligan City noong Martes, Pebrero 24, 2026, sinabi niyang hindi na raw nila tinitingnan ang posibilidad o “chance” na makauwi pa ng bansa si FPRRD. 

National

Liberal Party sa paggunita ng EDSA 40: 'Hindi alaala lamang, isa itong tungkulin!'

“Hindi na namin tinitingnan ‘yong chances of coming home,” pagsisimula niya. 

Ani VP Sara, hindi na raw nila pinag-uusapan ang tungkol sa posibilidad na iyon at sinabi na rin daw ng kaniyang ama na doon na ito mamamatay sa kulungan ng ICC noon. 

“In fact, hindi na namin pinag-uusapan—kung makikita ninyo doon sa statement niya sa court—ay sinasabi niya sa court na ‘natanggap ko na, na posibleng dito ako mamatay sa kulungan ng ICC,” saad niya. 

Pagpapatuloy pa niya, “Nandoon ‘yon, nakalagay sa statement niya sa court na nagsasabi na hindi siya aattend sa mga hearings ng confirmation of charges.” 

Matatandaang naghain ng kahilingan si FPRRD  na i-waive ang kaniyang karapatang dumalo sa pagdinig ng ICC kaugnay sa confirmation of charges laban sa kaniya na isinagawa noong Lunes, Pebrero 2 at Martes, Pebrero 24, 2026.

Samantala, nakatakda ulit magsagawa ng pagdinig ang ICC kaugnay sa confirmation of charges pa rin sa mga kinakaharap na kaso ng dating Pangulo sa paparating na Huwebes, Pebrero 26 at Biyernes, Pebrero 27, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘I am old, tired and frail!’ FPRRD, nanindigang ‘di sisipot sa confirmation of charges hearing ng ICC

KAUGNAY NA BALITA: 'I believe that FPRRD accepted the fact na doon na siya mamamatay!'—Larry Gadon

Mc Vincent Mirabuna/Balita