February 24, 2026

Home BALITA

UP, binigyang-pugay legasiya ng EDSA Revolution

UP, binigyang-pugay legasiya ng EDSA Revolution
via MB

Naglabas ng pahayag ang University of the Philippines (UP) kaugnay sa komemorasyon ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa latest Facebook post ng UP nitong Martes, Pebrero 24, pinarangalan nila ang legasiyang iniwan nito sa sambayanang Pilipino.

“This month, the UP community honors the legacy of the EDSA Revolution and reinforces its collective commitment to uplifting Philippine society,” saad ng pamantasan.

Dagdag pa nila, “In commemoration of this milestone, the UP System enjoins all administrators, faculty, REPS, students, and staff to participate in meaningful and lawful commemorative activities in fulfillment of their academic, professional, and civic responsibilities.”

Kaya naman idineklara ng UP ang Pebrero 25 bilang Alternative Learning Day para sa kanilang mga estudyante upang maitaguyod ang mas malalim na pag-unawa sa yugtong ito ng kasaysayan ng bansa.

Dating mga kasamahan umano ni Orly Guteza sa pagdadala ng male-maletang pera, lumantad!

Samantala, nakatakdang magdaos ng aktibidad ang Trillion Peso March Movement kasama ang iba pang grupo sa EDSA People Power Monument bilang paggunita sa anibersaryong ito. 

Matatandaang EDSA People Power Revolution ang nagtulak para mapatalsik sa puwesto si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. matapos ang dalawang dekada nitong panunungkulan.

Kaugnay na Balita: Trillion Peso March Movement, tutol sa kudeta, military junta, atbp sa EDSA Anniv