Isinailalim ng House of the Representatives (HOR) sa kanilang naging pagdinig ang pagsisiyasat sa mga panukalang batas na naglalayong “ma-abolish” o buwagin ang travel tax na binabayaran ng mga biyaherong Pilipino.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Kamara sa kanilang website nitong Martes, Pebrero 24, 2026, sinabi nilang inaprubahan ni House Committee on Tourism Chairman at Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona ang batayan sa pagko-consolidate o pagsasama-sama ng 18 mga panukalang naglalayong buwagan ang pagbabayad ng travel tax sa kanilang naging pagdinig noong Lunes, Pebrero 23, 2026.
Kaakibat ng pagko-consolidate ng mga naturang panukala ang pagbuo ng malinaw na alternatibong mekanismo para sa mga mahahalagang programang nasusuportahan ng travel tax.
“The House Committee on Tourism, chaired by Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona, on Monday approved the measure consolidating 18 bills to seek to abolish the travel tax, subject to the crafting of a clear and sustainable alternative funding mechanism for important programs supported by the tax collections,” pagsisimula ng Kamara sa pahayag.
Dagdag pa nila, “The panel consolidated House Bills 7367, 7443, 7612, 7703, 7757, 150, 3529, 3890, 4793, 7155, 7631, 5821, 6228, 6979, 7307, 7695, 7758, 7845, including the privilege speech of Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.”
Matatandaang nauna nang naipag-utos sa inisyatiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa naging pagpupulong nila sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) noong Pebrero 10, 2026, na mapasama ang Travel Tax Abolition Act sa 21 na mga priority legislation na naglalayong makatulong upang mag-angat ng pamumuhay ng taumbayan.
Unang inilunsad ang travel tax sa ilalim ng Presidential Decree No. 1183 at kalauna’y kinilala bilang Republic Act 9593 o “Tourism Act of 2009,” isang batas na direktang nagbibigay ng mga revenue ng mga nalikom na buwis sa mga ahensya ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Commission on Higher Education (CHED), at National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Kaugnay nito, ipinangako naman ni Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing sa mga kapuwa niya mambabatas na pagtatrabahuhan daw nilang mabuti ang pagsusulong ng naturang mga panukala upang masiguradong hindi maapektuhan ang mga ahensyang sinusuportahan ng travel tax kung sakaling mabubuwag ito.
“Mag-uusap po kami, of course ng mga authors ng measures and the three chairpersons, Chair Madrona, Chair Quimbo (Ways and Means) and myself kasi tatlong committees po ang dadaanan nito,” aniya.
Dagdag pa niya, “Rest assured po, given the criticality of the funds, we will work together to ensure that those funds will remain available for the departments of the different government institutions involved.”
Maaaring mabasa ang buong pahayag ng Kamara sa link na ito: https://www.congress.gov.ph/media/press-releases/view/?
KAUGNAY NA BALITA: Rep. Sandro, isinusulong sa Kamara 'immediate abolition' ng travel tax
Mc Vincent Mirabuna/Balita