February 23, 2026

Home BALITA

'Their mission was to kill criminals!' ICC prosecutor, muling binalikan Davao Death Squad

'Their mission was to kill criminals!' ICC prosecutor, muling binalikan Davao Death Squad

Ibinala ni International Criminal Court (ICC) Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang ang umano'y Davao Death Squad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pahayag sa pagsisimula ng confirmation of charges hearing nitong Lunes, Pebrero 23, 2026.

Pagdidiin ng ICC Prosecutor, mismong si dating Pangulong Duterte raw ang nag-utos sa noo'y kaniyang death squad sa Davao noong alkalde pa lamang doon, upang patayin ang mga kriminal at pinaghihinalaang mga kriminal.

"Mr. Duterte personally instructed their squad members that their mission was to kill criminals, unsuspected criminals," ani Niang.

Saad pa ni Niang, kabilang din daw sa mga target ng Davao Death Squad ang pagkitil at pagpuksa sa mga drug user at drug dealer.

"Including drug users and dealers, also referred to as drug pushers," anang ICC prosecutor.

National

War on drugs ni FPRRD, nagresulta ng pagkamatay ng libong sibilyan!—ICC Prosecution

Matatandaang noong Oktubre 2024 nang aminin ni Duterte ang pagkakaroon niya raw ng death squad na nilinaw na hindi raw ito binubuo ng mga pulis.

"I can make the confession now if you want. I had a death squad of seven, but they were not police, they were gangsters," ani Duterte.

Dagdag pa niya, "If given another chance, I'll wipe all of you."

Ilang buwan matapos ang kaniyang pag-amin, Marso 2025 nang tuluyangmagbaba ng arrest warrant ang ICC laban kay Duterte bunsod ng kasong crimes against humanity. Kasalukuyan siyang nananatili sa pasilidad ng naturang international court.