February 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking naglalako ng 'online ATM accounts,' timbog!

Lalaking naglalako ng 'online ATM accounts,' timbog!

Arestado ang lalaking ginawang modus ang pagbebenta ng online Automated Teller Machine (ATM) card sa Ormoc City.

Ayon sa pulisya, nahuli umano ang suspek matapos maaktuhang nagbebenta ng isang financial account online gamit ang ATM card.

Batay sa imbestigasyon, isinagawa ang entrapment operation bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na pagbebenta ng mga financial account sa internet. Inaresto ang suspek matapos makumpleto ang transaksyon sa gitna ng operasyon.

Pinuri naman ni PBGen Wilson C. Asueta, acting director ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group, ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon. Binigyang-diin din niya na labag sa batas ang pagbebenta ng ATM card o bank account.

Probinsya

Face-to-face classes sa Iloilo City, sinuspinde dahil sa ASEAN meetings

Nagbabala ang pulisya na maaaring humantong sa mabigat na pananagutan ang ganitong gawain. 

Hinikayat din ang publiko na umiwas sa pagbebenta o paglilipat ng mga financial account at agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang online transaction.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso kaugnay ng umano’y ilegal na pagbebenta ng financial account sa isang online platform.

Sinabi ng mga awtoridad na mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5(d) ng Republic Act 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.