Itinanggi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y pahayag ng kalihim nitong si Sec. Jonvic Remulla tungkol sa maanomalyang flood control projects.
Batay kasi sa kumakalat na pekeng quotation pubmat, hinikayat umano ni Remulla ang publiko na kalimutan na ang maanomalyang proyekto at ituon na lang ang atensyon sa mga pekeng sigarilyo na masama sa kalusugan.
Sa latest Facebook post ng DILG nitong Linggo, Pebrero 22, naghayag sila ng pagkadismaya sa gawa-gawang pahayag na idinidikit sa kalihim.
“At a time when the country is facing real challenges that demand focus, unity, and responsible discourse, it is deeply disappointing that someone would fabricate statements and falsely attribute them to a public official,” saad ng ahensya.
Dagdag pa nila, “Disinformation has consequences. It undermines public trust, distracts from urgent governance work, and creates confusion when Filipinos deserve facts and verified information.”
Kaya naman, paalala nila sa publiko na ang sadyang paggawa at pagpapakalat ng mali at pekeng impormasyon ay maaaring humantong sa criminal liability sa ilalim ng umiiral na batas.
Bukod dito, hinimok din ng DILG na bumase lang sa mga opisyal na channel ng ahensya at sa beripikadong pahayag pagdating sa pagkuha ng kinakailangang impormasyon.