February 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anak ni K Brosas, pinalagan si Alvin Aragon: 'Start by saving yourself first!'

Anak ni K Brosas, pinalagan si Alvin Aragon: 'Start by saving yourself first!'
Photo courtesy: Tal Brosas/FB, via Balita


Hindi na nakapagpigil at tuluyan na ngang nag-react ang digital creator na si Tal Brosas sa mga pahayag na pinakawalan ng dating aktor na si Alvin Aragon, hinggil sa mga anak na miyembro ng LGBTQIA+ community.

Kasunod ito ng umano’y pagkondena ni Alvin sa mga celebrity parents na may anak na miyembro ng LGBTQIA+ gaya ng Pinoy rapper na si Gloc 9, aktor na si Ian Veneracion, at maging ang ina niyang singer-comedienne na si K Brosas.

Sa ibinahaging Facebook post ni Tal kamakailan, binuweltahan niya ang “paniniwala” na mayroon si Alvin.

“Halos lahat ng religion sa mundo binabalaan tayo tungkol sa hatred at self-righteousness. If your faith and beliefs make you act OPPOSITE of what’s taught to you, hindi ang Diyos or kung sino man ang nagsasalita galing sa bibig mo. It’s just your EMPTY SOUL, and you cover that up by projecting your own traumas and insecurities onto others,” saad ni Tal.

Giit niya, “And you know what that means? It means you have ABSOLUTELY FAILED sa mismong aral na tinuturo ng kahit sinong ‘God’ sa mundong to. It doesn’t make you morally superior. In fact, it makes you a HYPOCRITE, and worse than a person who rejects religion but acts with kindness, humility, and compassion. What’s funny is those are even called Christ-like attributes, which you have NOTHING of. Ang ironic, diba?”

Saad pa niya, malinaw naman daw na ginagamit lang umano ni Alvin ang Kristiyanismo, ngunit hindi naman daw nito nauunawaan ang turo ng nasabing relihiyon.

“It’s very clear that you’re using Christianity as a weapon, and it only proves na hindi mo talaga naiintindihan ang teachings na grabe mong ipaglaban. Faith was meant to HUMBLE YOU, but it inflates your ego instead. If your belief teaches you cruelty, then your religion is just a costume for your BITTERNESS toward people who choose to live freely,” aniya.

“By the looks of it, God isn’t enough to save you. Hindi dahil nag-fail si God, but because you refuse to practice what you preach. So before you try to save everyone else, start by SAVING YOURSELF first,” pagtatapos niya.

Matatandaang pinatutsadahan din ng kaniyang inang si K Brosas ang mga pahayag, matapos nga itong mabanggit ni Alvin sa isang pahayag.

“Galit na galit, gustong manakit kuya? Alam ko, trending ka for how many weeks na ba? O days, ‘di ko alam. Ayoko sana magsalita kaso binanggit mo ‘yong pangalan ko kuya, e, binanggit mo kami. Parang kinondena mo kami dahil tanggap namin mga anak namin? Dahil member sila ng LGBTQ? Ano namang pakialam mo? May ambag ka ba kahit noong preschool? Nagbigay ka ba ng baon? Charot!” saad ni K Brosas.

MAKI-BALITA: 'Nairita ako sa totoo lang!' K Brosas, pinalagan Alvin Aragon sa isyu ng LGBTQIA+-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA