February 21, 2026

Home BALITA National

Sen. Lacson, walang intensyong tumakbo sa susunod na eleksyon

Sen. Lacson, walang intensyong tumakbo sa susunod na eleksyon
Photo courtesy: File Photo

Nilinaw ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na wala raw siyang intensyong tumakbo sa susunod na eleksyon sa 2028. 

Ayon sa naging pahayag ni Lacson nang dumalo siya sa annual alumni homecoming na pinangunahan ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort del Pilar sa Baguio nitong Sabado, Pebrero 21, 2026, direkta niyang sinagot ang tanong na kaugnay na plano niya sakali mang akitin daw siyang maging katambal ni Vice President Sara Duterte.

“May we know your plan sa 2028 kung sakaling alukin kayo ni Sara na maging VP niya?” tanong sa kaniya. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

National

'Congressmen, 'di matatakot sa deklarasyong pagtakbo ni VP Sara!'—Rep. Abante

Ani naman ni Lacson, literal umanong wala siyang plano na tumakbo sa paparating na eleksyon dahil nasa “twilight” na raw siya ng kaniyang karera sa public service. 

“Absolutely none. Alam n’yo, I’m getting the twilight of my career,” pagsisimula niya. 

Pagbabahagi ng senador, “eligible” o puwede pa naman din daw siyang tumakbo sa 2031 ngunit wala umano siyang intensyon. 

“I’m still eligible for another… election in 2031 but I am not intending to [run],” aniya. 

Pagpapatuloy pa ni Lacson, plano na raw niyang tapusin ang kaniyang karera sa public service kapag natapos na ang termino ng puwesto niya sa Senado. 

“I planned or intend to finish my public service career in 2031 when my current or first term ends sa Senate,” pagtatapos niya. 

Samantala, matatandaan namang nauna nang maglabas ng komento ni  Lacson sa naging proklamasyon ni VP Sara na tatakbo siyang Pangulo ng Pilipinas sa susunod na eleksyon.Ayon kay Lacson noong Huwebes, Pebrero 19, 2026, sinabi niyang karapatan naman daw ng bawat Pilipino ang tumakbo sa pampublikong posisyon kung “qualified” o pasok ang mga ito sa kuwalipikasyong alinsunod sa konstitusyon. 

“It is the right of every Filipino who is qualified under the constitution to run for an elective public office,” saad niya. 

Anang senador, matatapos daw ang kaniyang karera sa pagseserbisyo sa publiko sa darating na Hunyo 30, 2031 at wala raw siyang ibang hiling kundi ang ikabubuti ng bansa sa darating pang mga dekada.

KAUGNAY NA BALITA: 'I will pray for her intentions!' Sen. Lacson, nag-good luck kay VP Sara

MAKI-BALITA: Lacson, nanindigang kailangang idaan sa lokal na korte sina Go, Dela Rosa

Mc Vincent Mirabuna/Balita