February 21, 2026

Home BALITA

Lalaking unemployed, kumubra ng milyon-milyong premyo sa lotto!

Lalaking unemployed, kumubra ng milyon-milyong premyo sa lotto!
PCSO

Kinubra na ng isang lalaki ang kalahati ng ₱200 milyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58 na binola noong Enero 25, 2026.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office kamakailan, dalawa ang nanalo ng ₱200 milyon sa Ultra Lotto. Nahula nila ang winning numbers na 39-37-04-11-02-09.

Ang unang kumubra ng kalahati ng premyo ay ang naturang lalaki mula sa Tarlac. 

Saad ng PCSO, unemployed at nakatira sa magulang lalaki, na nasa mid-30s ang edad.

National

Sen. Lacson, walang intensyong tumakbo sa susunod na eleksyon

Nahihirapan anila ang lalaki na makahanap ng trabaho bago ito manalo. 

"The winner recalled keeping his composure upon realizing he had hit the winning numbers, choosing to keep the news to himself and avoid drawing attention. He said he focused on ensuring his ticket was secured and that he could process his claim properly," saad pa ng ahensya.

Gagamitin ng lucky winner para bigyang-suporta ang kaniyang mga magulang dahil malaki ang utang na loob nito sa kanila.