Inalmahan ni Kapuso Primetime King ang isang pahayag na naglalantad ng pagsuporta sa kandidatura ni Vice President Sara Duterte.
Sa latest Facebook post ni Dingdong nitong Biyernes, Pebrero 20, makikita ang screenshot ng paskil ng isang netizen sa social media account nito.
“Dingdong Dantes said, 'Nakakatakot 'pag nanalo si VP Sara. Nakikita ko sa kaniya ang tapang, talino, at abilidad na may kakayahang mamuno gaya ng kaniyang ama,'" mababasa sa post.
Pero sabi ng Kapuso Primetime King, “Hindi ko ito sinabi.”
Matatandaang inanunsiyo na ni VP Sara noong Pebrero 18 na handa siyang tumakbo bilang Pangulo sa 2028 elections.
Maki-Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!
Matapos ito, kaliwa’t kanang pahayag mula sa iba’t ibang personalidad at grupo ang nagsilaban upang ipakita ang pagkiling nila sa kandidatura ng kasalukuyang Bise Presidente.
Maki-Balita: Partido Reporma, suportado Sara-Marcoleta sa 2028!
Maki-Balita: PDP Laban, suportado pagtakbo ni VP Sara sa pagkapangulo