May 17, 2026

Home SHOWBIZ

Serbisyo ni Sen. Robin, hindi pa tapos sey ng misis!

Serbisyo ni Sen. Robin, hindi pa tapos sey ng misis!
Photo Courtesy: Screenshot from Imee Marcos (YT), Robin Padilla (FB)

Binigyang-linaw ng TV host na si Mariel Rodriguez ang tungkol sa nauna niyang pahayag na ayaw na raw niyang patakbuhin pa ang asawa niyang si Sen. Robin Padilla sa 2028 elections.

Matatandaang sinabi ni Mariel sa isang panayam noong Enero na pakiramdam daw niya ay hindi deserve ng mga tao ang mister niya.

Ngunit sa latest episode ng podcast ni Sen. Imee Marcos na “Imee&You” noong Biyernes, Mayo 15, sinabi ni Marie na ang tinutukoy umano niya na hindi karapat-dapat para kay Sen. Robin ay ang mga kritiko nito.

Aniya, “When I said that they don't deserve him, I'm talking about those who say bad things about him. They do not deserve him.”

“But there are so many people, the Muslims, the indigenous groups, ang daming people na umaasa sa kaniya,” dugtong pa ni Mariel.

Tsika at Intriga

Awra Briguela, sinita propesor na tinawag siyang 'babaeng may b*rat!'

Kaya kung tatanungin daw siya kung gusto pa raw ba niyang ipagpatuloy ni Sen. Robin ang paglilingkod nito, oo raw ang isasagot niya.

“For me, hindi pa po tapos. For me, marami pang hindi natutuunan ng pansin.”

Samantala, inihayag naman ni  Sen. Robin noong Disyembre 2025 na wala na raw siyang interes pang kumandidato sa 2028 elections.

Maki-Balita: Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028