Inamin ni Sen. Risa Hontiveros na si Vice President Sara Duterte ang nakikita niyang pinakamalakas na kandidato sa pagkapangulo sa darating na 2028 presidential elections.
Sa panayam sa kaniya ni Cheryl Cosim sa isang programa sa "One News," sinabi ni Hontiveros na isa si VP Sara sa mga nakikita nilang mahigpit na katunggali sa Liberal Party (LP) sa nabanggit na pinakamataas na posisyon.
Kaya naman, sa tingin ng senadora na dapat daw makapili ang kanilang partido ng kandidatong kayang mapatumba si VP Sara sa eleksyon.
"Sinabi nga ni Senator Frank [Drilon] na si VP [Sara Duterte] ang pinakamalakas na kandidato sa ngayon," anang senadora.
"Kailangan, realistically mag-take note kami ng mga ganiyang challenges. Those are kind of candidacies na we will be competing against, so kailangan back to the standards kami," dagdag pa niya.
Matatandaang nabanggit na ni Hontiveros na bukas siya sa posibilidad na maging standard bearer ng kanilang partido kung sakaling siya ang mapisil.
Kaugnay na Balita: : 'I remain willing! Sen. Risa, nananatiling bukas tumakbong Pangulo sa Halalan 2028!
Samantala, nitong Miyerkules, Pebrero 18, pormal nang idineklara ni VP Sara ang pagtakbo niya bilang Pangulo sa 2028.
“Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malasakit para sa Diyos, sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino,” aniya.
Matapos, porma na inanunsyo ni VP Sara ang plano niyang pagtakbo nilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na 2028.
“Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas,” pagtatapos pa niya.
Kaugnay na Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!
Nagbigay naman ng reaksiyon tungkol dito ang senadora, sa press briefing na isinagawa ngayon ding araw ng Miyerkules.
"Sabi ng mga paborito nating philosopher, tayo po ay may free will. So, gamitin po natin,” saad ni Sen. Risa.
Kaugnay na Balita: Sen. Risa sa pagtakbo ni VP Sara bilang Pangulo: 'Tayo po ay may free will'