February 18, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Sam Milby, ‘surprised’ sa pasabog ni Catriona Gray hinggil sa hiwalayan nila

Sam Milby, ‘surprised’ sa pasabog ni Catriona Gray hinggil sa hiwalayan nila
Photo courtesy: Sam Milby/FB, Catriona Gray/FB


Inamin ng aktor na si Sam Milby na siya ay nasorpresa nang ibahagi ng kaniyang dating karelasyon na si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Kaugnay ito sa pasabog ni Catriona, kung saan ibinunyag niyang hindi pa umano handa si Sam sa isang “commitment.”

“There was a point in our relationship where I think he just realized that he wasn’t ready to take it to the stage of commitment that we thought we were on [because he] proposed, and then a few months later realized that hindi pala siya ready,” ani Catriona sa isang interbyu kasama ang broadcast journalist na si Karen Davila kamakailan.

MAKI-BALITA: 'Hindi pala siya ready:' Catriona Gray, ni-reveal dahilan ng hiwalayan nila ni Sam Milby-Balita

Sa pakikipanayam naman ni Sam sa ABS-CBN, sa ginanap na grand media conference ng seryeng "The Alibi” kamakailan, nanindigan din siyang gusto niyang panatilihing pribado ang isyu sa pagitan nilang dalawa ni Catriona.

"My reaction is I just want to keep yung sa amin ni Cat private. I don't have any comments," saad ni Sam.

Giit pa niya, "Was I surprised? Yeah. I was surprised.”

Gayumpaman, sinabi naman ng aktor na sila ay nananatili pa ring magkaibigan ni Catriona.

Pagbabahagi pa ni Sam, wala siyang dine-date ngayon, at ginunita niya ang Valentine’s Day kasama ang kaniyang mga pamangkin.

Vincent Gutierrez/BALITA