February 17, 2026

Home BALITA Metro

‘Grave coercion’ isinampang kaso sa nahuling online harasser sa Taguig

‘Grave coercion’ isinampang kaso sa nahuling online harasser sa Taguig
Photo courtesy: Philippine National Police (FB),Unsplash

Sinampahan ng kasong “Grave Coercion” ang nahuling 28-anyos na online harasser mula sa Taguig City, kamakailan. 

Base sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Pebrero 17, ang nasabing online harasser ay nahuli sa entrapment operation ng Quezon City District Anti-Cybercrime Team, noong Pebrero 11, matapos nitong i-blackmail at i-harass ang isang babae gamit ang kaniyang mga pribadong litrato at video. 

Kaya bilang paglabag sa batas, kahaharapin ng online harasser ang paglabag sa ilalim ng Artikulo 286 ng Revised Penal Code at Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 (RA 9995), parehas na may kaugnayan sa Seksyon 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175). 

Paalala ni PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., na ang online harassment ay hindi isang “harmless prank,” bagkus, ito ay paglabag sa dignidad at banta sa kaligtasan ng mga mamamayan. 

Metro

QCPD, ikinakasa na paghahanda para sa Trillion Peso March 3.0

Kaya tinitiyak ng PNP na nananatili silang maigting sa pagpapatupad ng batas para mapanatili ang kaligtasan ng publiko laban sa online harassment. 

Hinikayat din nila ang ilan pang nabiktima na agad ipagmigay-alam sa mga awtoridad ang harassment na kinahaharap upang maaksiyonan. 

ANO ANG ‘GRAVE COERCION?’

Ang Grave Coercion ay ang akto ng iligal na pamimilit sa isang tao na gawin o hindi gawin ang isang bagay sa pamamagitan ng karahasan, pagbabanta, o pananakot. 

Sean Antonio/BALITA