February 16, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sinampolan! Michelle Dee, inireklamo si Xian Gaza ng cyber libel sa NBI

Sinampolan! Michelle Dee, inireklamo si Xian Gaza ng cyber libel sa NBI
Photo courtesy: Michelle Dee, Christian Albert "Xian" Gaza (FB)

Personal na nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Kapuso actress-beauty queen na si Michelle Dee para sampahan ng reklamong cyber libel ang social media personality na si Xian Gaza.

Nitong Lunes, Pebrero 16, kasama ni Michelle ang legal counsel na si Maggie Garduque, nang magsadya sila sa NBI upang pormal na ihain ang reklamo laban sa tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites."

Sa panayam sa kaniya ng media, hindi idinetalye ni Michelle ang mga espesipikong dahilan at pinag-ugatan ng reklamo niya laban kay Xian, subalit naniniwala aniya siyang lalabas din ang buong katotohanan, at hindi dapat palagpasin ang ginagawa ng nabanggit na social media personality, gaya ng umano'y pagpapakalat ng fake news sa social media.

"The point here is hindi dapat i-normalize ang pagsasalita nang gano'n towards sa mga babae, I think we should respect women's rights in privacy," pahayag ni Michelle.

Tsika at Intriga

'Present sa pa-buffet ng suka!' Darryl Yap, binanatan sina Pokwang, Pinky Amador dahil sa pa-party ni PBBM

Maaaring nag-ugat ang pagsasampa ng kaso ni Michelle laban kay Xian dahil sa mga pinakawalang blind items at posts ng social media influencer laban kay Michelle, nang pumutok ang isyu tungkol sa driver ni Rhian Ramos, sa bintang na pagkuha sa isang angpao na may lamang sensitibong larawan.

Ito umano ang naging dahilan kung bakit inireklamo ng driver sina Michelle, dating among si Rhian Ramos, at maging ang beauty queen na si Samantha Panlilio, ng kasong torture at serious illegal detention.

Kaugnay na Balita: Rhian Ramos, Michelle Dee inireklamo ng umano'y illegal detention; abogado, nagsalita!

Bagay na tinapatan naman ni Michelle at kinasuhan ng qualified theft ang nabanggit na driver.

Kaugnay na Balita: Michelle Dee, kinasuhan ng qualified theft ang driver ng kaibigang si Rhian Ramos!