February 16, 2026

Home BALITA Metro

QCPD, ikinakasa na paghahanda para sa Trillion Peso March 3.0

QCPD, ikinakasa na paghahanda para sa Trillion Peso March 3.0

Inilatag na ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang security at traffic management plan kaugnay ng gaganaping “Trillion Peso March” sa Pebrero 25 sa EDSA People Power Monument bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa paghahanda ang estratehikong pagde-deploy ng mga pulis sa mga pangunahing kalsada, partikular sa paligid ng monumento, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga organizer ng aktibidad upang matiyak ang maayos na daloy ng programa at pamamahala sa dadalong mga tao.

“Our primary objective is to uphold public safety while respecting the citizens’ right to peacefully assemble and express their sentiments during the 40th Anniversary of the EDSA Revolution,” ani QCPD director PBGEN Randy Glenn Silvio.

Dagdag pa niya, “The QCPD will implement comprehensive security measures and effective traffic management to minimize disruption and ensure a safe environment for everyone.”

Metro

Katawan ng chop-chop victim, natagpuan sa loob ng drum sa Binondo!

Patuloy rin ang isinasagawang coordination meetings sa pagitan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, mga lokal na pamahalaan, at mga organizer upang matiyak ang mapayapa, maayos at ligtas na pagsasagawa ng lahat ng kaugnay na aktibidad.

Pinapayuhan ang mga motorista na asahan ang posibleng traffic rerouting sa EDSA at mga kalapit na kalsada sa araw ng martsa.

Ayon sa pulisya, maglalabas din ng mga traffic advisory at anunsyo ukol sa mga pagbabago sa daloy ng trapiko bago ang aktibidad upang matulungan ang publiko sa pagpaplano ng kanilang biyahe.