Paunti-unti nang ibinabangon ng negosyante at social media personality na si Diwata ang nalugmok niyang kabuhayan.
Sa isang Facebook post niya noong Linnggo, Pebrero 15, makikita ang mga nakalatag niyang panindang gulay sa Cavite.
“Available na din mga gulay natin located at gentri cavite!#laban lang” saad ni Diwata sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ganyan dapat Ang negosyo diwata Yung nakakapagpahaba NG Buhay. Huwag Yung puro pamatay na pagkain"
"Kaya dapat pag nasa taas ka wag kang maging mataas low frame parin dahil ang buhay parang gulong minsan nasa ilalim .. minsan nasa baba"
"Mas maganda po ganyan kahit anong paninda basta legal na negosyo. Maraming racket,maraming income, ganern"
"Diwata ako na magsupply sayo ng gulay SALAD MAN"
"Diwata office ganyan talaga ang buhay pa Angat saka Pababa, ang importante talaga ay healthy ang buhay natin at magdasal lagi sa diyos"
"At ayun n nga lumipas din ang paresan"
"Basta masipag k hindi k magugutom"
"Lilipas den Yan "
Matatandaang isiniwalat kamakailan ni Diwata na nagantso umano siya sa negosyo niyang paresan noon.
Sinabi niyang may lumapit umano sa kaniya noong kasagsagan ng kasikatan niya at nangakong tutulungan siya para ang paresan niya ay maging kagaya ng mga kilalang fast food chain sa kasalukuyan.
Ngunit sa kasamaang-palad, hindi man lang daw siya nabigyan ng kabahaging franchising fee at royalty fee.
Maki-Balita: Diwata nabudol; walang natanggap na franchising fee, royalty fee sa paresan