February 15, 2026

Home BALITA

Torre, pumalag sa bansag bilang 'national laughing stock'

Torre, pumalag sa bansag bilang 'national laughing stock'
Photo Courtesy: via MB

Pinatulan ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III ang social media personality na Duterte supporter na si Tio Moreno matapos siya nitong tawaging “national laughing stock.”

Kaugnay ito sa naunsiyaming boxing match nina Torre at Acting Davao City Mayor Baste Duterte noong Hulyo 2025.

“Eto ang masarap pag DDS ang pinapatulan. Andaling basagin kasi 8080. National laughing stock daw ako dahil sa boxing na hindi sumipot ang idol nya,” saad ni Torre sa isang Facebook post niya noong Sabado, Pebrero 14.

Dagdag pa niya, “[S]a event na yun, we raised millions of pesos para sa mga taong sinasabi nyang nalulunod nung mga panahong iyon. Now sino ang laughingstock?”

Pangalan ni Sec. Dizon, ginagamit pambudol; DPWH, nagbabala!

Pinamagatang “Boxing for a Cause: Laban Para sa Nasalanta” ang naturang boxing match nina Torre at Duterte na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.

Hindi nagawang makadalo ni Duterte sa bakbakan kaya si Torre ang idineklarang panalo. Gayunman, nagawa pa ring makalikom ng ₱16 milyon ang naturang charity boxing.

KAUGNAY NA BALITA: Torre, 'di pinagpawisan kay Baste; may round 2 pa kaya?