February 15, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Shaira, Kristel parehong virgin bago ikasal: 'Pinakamagandang regalo sa asawa ay purity!'

Shaira, Kristel parehong virgin bago ikasal: 'Pinakamagandang regalo sa asawa ay purity!'
Photo courtesy: Screenshot from KrisTells (YT)

Napag-usapan nina "Unang Hirit" host at Kapuso actress Shaira Diaz at dating "Goin' Bulilit" child star at Kapamilya actress-turned-social media personality Kristel Fulgar ang tungkol sa kanilang virginity bago sila ikasal sa kani-kanilang mga mister.

Unang beses na nag-guest si Shaira sa vlog ni Kristel, na aniya, bagama't kabado ang huli sa unang kolaborasyon nila, naniniwala raw siyang marami silang pagkakatulad na puwedeng pag-usapan, kagaya na lamang ng pagiging virgin bago pa man sila lumagay sa tahimik.

Halos umikot ang vlog nila sa married life nila. Matatandaang ikinasal na si Kristel sa kaniyang South Korean partner na si Suhyuk Ha habang si Shaira naman, asawa na ang Kapuso actor na si EA Guzman.

Sey nilang dalawa, habang nagkukuwentuhan sila, parang limang taon na silang magkaibigan dahil sa dami ng napagchikahan nila. Isa na nga rito ang pagiging 2025 brides nila. Habang nagkakakuwentuhan, marami raw talaga silang similarities, kagaya na lamang ng pareho na silang pine-pressure na magkaroon ng baby.

Relasyon at Hiwalayan

'Hindi kita malilimutan!' Archie Alemania, patay na patay kay Gee Canlas

Pareho sila ng paniniwala na huwag munang madaliin at mag-enjoy na muna sa married life nila, dahil kapag nagkaanak na sila, ibang chapter na iyon sa buhay nila.

Hanggang sa dumako na nga ang chikahan ng dalawa sa virginity na naibigay nilang pareho sa mga asawa nila. Ayon kay Shaira, bukod sa mga magulang niya, pinili rin niya sa sarili niyang panatilihin ang virginity niya. Natatakot din umano siyang mabuntis.

Si Kristel, talaga raw nasa goal niya na isusuko lamang ang Bataan sa kung sinuman ang mapapangasawa niya.

Bagay na sinang-ayunan naman ni Shaira, dahil nasabi raw sa kaniya ng mga magulang niya at maagang naipamulat sa kaniya, na ang pinakamagandang regalong maibibigay niya sa sa asawa ay purity.

Iyon daw ang tumatak sa isip ni Shaira, bagay na sinegundahan naman ni Kristel.

Bagama't magkaiba raw sila ng relihiyon, parehong binanggit nina Shaira at Kristel na nakalagay rin iyon sa Bibliya.

Kaugnay na Balita: Nakaiskor na ba? Kristel nahiya sa pulot-gata nila ng Oppa hubby

Kaugnay na Balita: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, 'di pa rin isinusuko ang ‘bataan’

Kaugnay na Balita: Kahit 12 taon nang magkarelasyon: EA, 'di pa rin 'ginagalaw' si Shaira

Kaugnay na Balita: Tapos na ang paghihintay: EA Guzman, Shaira Diaz ikinasal na!