Inamin ni Kapuso actor EA Guzman na dumating sa punto na tila hindi na raw niyang kayang tiisin pa na walang nangyayari sa kanila ng jowa niyang si Shaira Diaz, na fiancé na niya ngayon.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Pebrero 19, tinanong ni Boy kina Shaira at EA ang tungkol sa bagay na ito.

“First two years namin, Tito Boy, umiiyak ako sa kaniya kasi ang hirap. To be honest ang hirap. Noong time na iyon parang hindi ko na kaya. Kasi siyempre 'di 'ba?” saad ni EA sabay tawa. Naiintindihan naman daw siya ni Boy pagdating sa ganoong bagay.

“Kaya sabi ko: ‘Baba, hindi ko na kaya.’ Pero noong may sinabi siya sa akin na: ‘Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako.’ ‘Yon, do’n ako tinamaan. ‘Yon ang lagi kong sinasabi sa sarili ko ‘pag nakakaramdam ako ng ganito,” aniya.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Dagdag pa niya: “Sabi ko nga noong nag-announce kami sa engagement namin na I respect Shaira a lot. Kung alam lang nila.”

Ayon naman kay Shaira, ino-honor daw niya ang parents niya dahil nangako siya na buong-buo pa rin siyang matatagpuan kahit iwan pa siya ng mga ito kahit saan.

“Sabi nila ‘yon ‘yong best gift na mabibigay mo sa asawa mo,” lahad pa ng aktres.

Kaya naman, sobrang humanga si Boy dalawa dahil sa pagpapasyang hinatayin muna ang takdang panahon bago makaniig ang isa’t isa.

Samantala, sa naunang bahagi ng panayam, ibinahagi rin nina EA at Shaira ang tungkol sa muntik na pagtanggi ng huli sa marriage proposal ng una.

MAKI-BALITA: Shaira Diaz, tatanggihan daw sana proposal ni EA Guzman?