February 14, 2026

Home BALITA National

US-grade HIV treatment, malapit nang dumating sa Pilipinas – DOH

US-grade HIV treatment, malapit nang dumating sa Pilipinas – DOH
Photo courtesy: Unsplash

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Sabado, Pebrero 14, na malapit nang dumating sa bansa ang U.S.-grade Human Immunodeficiency Virus (HIV) treatment na “Lenacapavir.” 

Sa pahayag ni DOH Sec. Ted Herbosa sa “PinaSIGLA” segment ng DZMM, ipinaliwanag niya na ang Lenacapavir treatment ay maipapadala ng US State Department sa ilalim ng inisyatiba nilang President's Emergency Plan for AIDS Relief (PEPFAR). 

Aniya, ang nasabing treatment ay nasa injectable form, na magiging medikasyon ng People Living with HIV (PLHIV) kada anim na buwan.

“Magkakaroon na po from the US State Department ‘yong tinatawag na ‘PEPFAR,’ we will be getting ‘Lenacapavir’ the injectable form for people living with HIV every six months kaya very convenient. Hintayin n’yo ‘yon, pinromise na ‘yon sa’kin ng US State Department, mahal ‘yon, pero ibibigay sa atin as a grant,” ani Herbosa. 

National

VP Sara, bilib kay FPRRD: 'Nakakulong na, pinag-aagawan pa rin ng mga GF sa labas!'

Ipinaliwanag din ng kalihim na hindi na kailangan katakutan ng publiko ang HIV dahil nagagamot na ito. 

“For people living with HIV, naku-cure na naman ‘yan [HIV]. You shouldn’t die basta nati-treat ka early. So, very important na nati-treat sila with antiretrovirals o ‘yong injectibles kapag dumating para humaba at umayos ang kanilang buhay,” saad ni Herbosa. 

Sa nasabi ring pahayag, naiulat na tinatayang 338 na ang bilang ng HIV Care facilities sa buong bansa. 

Ang care facilities na ito ay nagbibigay ng libreng HIV services, na alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagpapatatag ng HIV prevention at suporta para sa PLHIV. 

Ilan sa mga libreng serbisyo ay ang mga sumusunod ayon sa DOH:

- HIV screening at confirmatory testing

- Antiretroviral therapy at counseling

- HIV combination prevention methods gaya ng condom, lubricant, pre-exposure prophylaxis o PREP

- Viral load testing na kailangan ng mga PLHIV na kasalukuyang umiinom ng gamot na nakatutulong magpababa ng kanilang viral load, dahilan para hindi na maging nakahahawa ang virus.

Matatandaang lumabas sa HIV and AIDS Surveillance Report ng Department of Health-Epidemiology Bureau noong Disyembre 2025 na nangungunang mode of transmission ng HIV sa bansa ang sexual contact o pakikipagtalik. 

MAKI-BALITA: ‘Bembangan,’ nangungunang ‘mode of transmission’ ng HIV sa bansa

Kinumpirma rin ng DOH noong 2025 na nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo bilang bansa na may pinakamabilis at mataas na tala ng HIV infection. 

MAKI-BALITA: Pilipinas, nangunguna sa buong mundo sa may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng HIV

KAUGNAY NA BALITA: Perci Cendaña, sinabing ‘gold medalist’ ang Pilipinas pagdating sa HIV cases

Kaya pinapaalala ng DOH sa publiko na magtungo sa DOH-HIV care facilities para sa mga libreng screening at testing para sa maagang paggamot sa HIV.

Sean Antonio/BALITA