Nagpaabot ng sweet Valentine's Day message si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa kaniyang kabiyak na si First Lady Liza Araneta Marcos na tinawag niyang "forever Valentine."
Mababasa sa Facebook post ng Pangulo ngayong Sabado, Pebrero 14, sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, na si FL Liza ay "love of his life" at siyang sentro ng kanilang tahanan, at siyang nagpapakalma sa kaniya sa kabila ng lahat.
Kalakip ng post ang isang video clip kung saan makikitang tila nagsasayaw ang dalawa. Ipinakita rin dito ang ilang clips mula sa kasal nilang dalawa.
"My forever Valentine, Liza," ani PBBM.
"You are the love of my life, the heart of our home, and the calm in the middle of everything. You make it all make sense. You complete me."
"Happy Valentine's Day," aniya pa.
Sa vlog entry#277, sinagot din ni PBBM ang ilan sa mga tanong patungkol sa Valentine's Day.
Aniya, masaya na siyang magkaroon ng libreng oras kasama ang asawa na wala silang iniisip na kahit na anong may kinalaman sa trabaho.
Natanong din ang Pangulo kung anong love song ang naiisip niya na maglalarawan sa love story nila ni FL Liza. Ang pinili na lamang niyang banggitin ay love song nila noong nagde-date pa lang sila, at ito raw ay "Moonlight in Vermont" na kinanta ni Sarah Vaughan.
Tinitiyak din ni PBBM na kahit marami silang ginagawa at puno ang schedule nila pareho ni FL Liza, nakakapag-bonding pa rin sila kahit na isang dinner lang, o kaya naman, nagpupunta sila sa mga lugar na gusto nila gaya ng pag-uwi sa Ilocos, basta't magkakasama silang lima.
Samantala, wala pang reaksiyon o tugon si FL Liza sa pagbati sa kaniya ng mister.